11/09/2026
LGU - MHO Vinzons Dengue Awareness Campaign 🦟 Bandilyo sa radyo!
🦟 DENGUE AWARENESS | ISANG PAALALA MULA SA LOKAL NA PAMAHALAAN NG VINZONS 💚
Isang simpleng hakbang, malaking proteksyon para sa buong pamilya.
Ugaliing gawin ang 4 O’CLOCK HABIT araw-araw! ⏰ Alas-4 ng hapon, maglaan ng oras upang hanapin at alisin ang mga posibleng pamugaran ng lamok, lalo na ang mga lalagyan na may naipong tubig.
Sabay nating isabuhay ang 4S KONTRA DENGUE:
🔎 SEARCH AND DESTROY – Hanapin at alisin ang pinamumugaran ng lamok.
🛡️ SELF-PROTECTION – Protektahan ang sarili laban sa kagat ng lamok.
🏥 SEEK EARLY CONSULTATION – Kapag may sintomas, agad kumonsulta sa health professional.
🤝 SUPPORT FOGGING/SPRAYING – Makipagtulungan sa health authorities kung kinakailangan.
Malinis na kapaligiran, iwas-lamok, iwas-dengue!
💚 Kilos na, Vinzons! Sama-sama para sa ligtas at malusog na komunidad.
WAV🔊 Lei Zelle
✍️ BK Edgar Abarientos