Ang Ugat

Ang Ugat Opisyal na FB Page ng Ang Ugat (Pamahayagang Pangkampus ng Calatagan HS-Filipino)

 | Nagawang mapasakamay ng Yunit VI ang dalawang ginto at dalawang pilak sa larong Chess sa katatapos pa lamang na Palar...
17/09/2025

| Nagawang mapasakamay ng Yunit VI ang dalawang ginto at dalawang pilak sa larong Chess sa katatapos pa lamang na Palarong Pampaaralan 2025.

Gamit ang talino nagawang makuha ng mga manlalaro mula sa Yunit VI na sina Jhunlenzy Gonzales at Niňa Rita San Juan ang dalawang ginto. Sinundan naman ito nina Lawrenz Panti at Princess Viness Tabinas matapos mapasakamay ang dalawang pilak.

Sa kabilang daku, naiuwi naman ni Jonnah Torrenueva ng Yunit IV at Nathaniel Arcilla ng Yunit III ang tansong medalaya.





📸Fatima Majuni

 | Sinalo nina Jhezter Mark Torio at Lindsay Ann Soliveres ng Yunit III ang gintong medalya sa larong Badminton. Dagdag ...
17/09/2025

| Sinalo nina Jhezter Mark Torio at Lindsay Ann Soliveres ng Yunit III ang gintong medalya sa larong Badminton. Dagdag pa rito, naiuwi din nina Glenford Dave Guarte at Krisha Cassandra Panti ang pilak gayundin, napasakamay ni Lemuel Ogalesco ang tanso na kapwa mga manlalaro ng Yunit III sa nabanggit na laro.

Samantala, hinakot naman ng napasakamay naman nina Althea Torio at Marian Nicole Bautista ng Yunit IV ang iba pang pilak sa larong Badminton. Naiuwi naman ni Justin Lemore Totanes ng Yunit VI ang isa pang pilak sa kaparehong laro.





✍️Karl Vincent Obo
📸Patricia Marquez

 |1...2....3....Klik! Bilang pagtupad sa kahilingan ng karamihan, narito na ang mga larawang matagal na ninyong inaabang...
16/09/2025

|1...2....3....Klik! Bilang pagtupad sa kahilingan ng karamihan, narito na ang mga larawang matagal na ninyong inaabangan mula sa publikasyon. Hanapin na at i-my day na yan!

 | Pinalo ng Yunit IV ang gintong medalya laban sa Yunit III matapos patikimin lamang ng pagkapanalo sa unang set ng lar...
16/09/2025

| Pinalo ng Yunit IV ang gintong medalya laban sa Yunit III matapos patikimin lamang ng pagkapanalo sa unang set ng larong Volleyball. Hindi naman na ito naulit matapos siguraduhin ng Yunit IV ang pagkapanalo sa ikalawa hanggang ikaapat na set ng laro. Dahil dito, tuluyang napasakamay ng Yunit IV ang gintong medalya matapos ang laro kahapon, Setyembre 15.





✍️Loraine Camu
📸Patricia Marquez

 | Matagumpay na naiuwi ng Yunit IV ang gintong medalya matapos ang mainit at dikit na laban kontra Yunit VI sa 5x5 Bask...
16/09/2025

| Matagumpay na naiuwi ng Yunit IV ang gintong medalya matapos ang mainit at dikit na laban kontra Yunit VI sa 5x5 Basketball sa iskor na 63-58 sa naganap na Palarong Pampaalaran, Setyembre 12.





✍️Justin Chavez Talan
📸Patricia Marquez, Rhoi Cedric Olonan

 | Hindi pinaobra ng Yunit VI ang Yunit III sa Championship Game ng larong football. Natapos ang laro sa iskor na 3-0 da...
15/09/2025

| Hindi pinaobra ng Yunit VI ang Yunit III sa Championship Game ng larong football. Natapos ang laro sa iskor na 3-0 dahilan upang masipa ng Yunit VI ang ginto. Itinanghal naman si Don Eric Sicio ng Yunit VI bilang Player of the Game.





Larawan: Patricia Marquez, Jhasper Matienzo

 | Nasungkit nina Jhezter Mark Torio ng Yunit III at Dwayne Domanais ng Yunit IV ang korona sa ginanap na Mr. & Ms. CHS ...
14/09/2025

| Nasungkit nina Jhezter Mark Torio ng Yunit III at Dwayne Domanais ng Yunit IV ang korona sa ginanap na Mr. & Ms. CHS Intramurals 2025 ngayong Setyempre 11.

Pinatunayan nina Torio at Domanais hindi lamang sa hitsura kundi maging sa talino na kapwa sila may maiiubra dahilan upang makamit ang korona.

Sa kabilang daku, nasungkit naman nina Mckenlee Lubiran at Mariel Angel P. Sicio kapwa Yunit V ang unang pwesto. Sinundan naman ito nina Gio Quiňones, Yunit V at Christela Raine U. Lacadin, Yunit IV na nasa ikalawang puwesto.

Natamo naman nina Christian Jay Tubice, Yunit III at Weyndolyn Sarmiento, Yunit II ang ikatlong puwesto. Samantalang naabot naman nina Justin Tommy Joson, Yunit IV at Mica Aliyah Ola ng Yunit V ang ikaapat na puwesto.





Larawan: Patricia Marquez, Jhasper Matienzo, Mandie Vargas

MAKULAY NA PAGSISIMULA👣Naging makulay ang pagsisimula ng Palarong Pampaaralan ng Calatagan High School matapos magsagawa...
14/09/2025

MAKULAY NA PAGSISIMULA👣

Naging makulay ang pagsisimula ng Palarong Pampaaralan ng Calatagan High School matapos magsagawa ng Color Fun Run ngayong Setyembre 11.

Nagsimula sa pagtakbo ang mga kalahok sa barangay Bigaa patungo sa paaralan habang nakaabang naman ang mag-aaral ng MAPEH Club sa iba’t ibang pwesto. Hawak nila ang 1.5 litro at may lamang tubig na hinaluan ng food color na isinasaboy sa bawat daraang kalahok.

Gayundin, bahagi ang nabanggit na gawain ng Nesle Wellness Campus Program kaya't kabilang sa gawain ang paglalagda ng mga kalahok sa commitment wall bilang pakikiisa sa adbokasiya sa malusog na pangangatawan.


Larawan: Jhasper Matienzo

TINGNAN| Abala ang mga g**o at mag-aaral sa pag-aayos ng kani-kaniyang mesa bilang paghahanda sa Pista sa Nayon ngayong ...
22/08/2025

TINGNAN| Abala ang mga g**o at mag-aaral sa pag-aayos ng kani-kaniyang mesa bilang paghahanda sa Pista sa Nayon ngayong hapon. Gumamit ang mga mag-aaral ng dahon ng anaw, niyog, at iba pang katutubong kasangkapan sa pagpapaganda ng kanilang presentasyon.

📸 Bernadette Araojo

07/08/2025

Maikiisa, dumalo at punuin ng alaala ang gabing ito!

Pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwang ng Wikang Pambansa 2025Isunuot ng mga g**o at ibang kawani ng paaral ng Mataas na Pa...
05/08/2025

Pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwang ng Wikang Pambansa 2025

Isunuot ng mga g**o at ibang kawani ng paaral ng Mataas na Paaralan ng Calatagan ang kani-kaniyang kasuotang Filipiniana, Barong at maging katutubong kasuotan sa ginanap na Seremonya sa Pagtataas ng Watawat bilang pagpapakita ng pakikiisa sa pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 ngayong Agosto 4.

05/06/2025

Address

Calatagan High School
Virac

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Ugat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category