13/10/2026
πππ πππππππ π
πππ ππ πππππππππ, πππππππππ ππ! ππππππππππ β±π ππππππ-ππππππππ ππ πππππ, πππππππ ππ ππ ππππππππππ!
Mula β±14 ay posibleng pumalo sa β±20 ang regular na pamasahe sa bayan kasunod ng panukalang inihain upang saluhin ang patuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo.
VIRAC, CATANDUANES β Isang panibagong bigat sa bulsa ng mga mananakay ang nagbabadya matapos pormal na ipanukala ni Virac Mayor Sinforoso βPosoyβ Sarmiento Jr. ang pansamantalang pagtataas ng minimum na pamasahe sa mga pampasaherong traysikel sa bayan.
Batay sa panayam kay Sarmiento, isinulong ang β±5 na dagdag-pamasahe matapos ang isinagawang konsultasyon ng kanyang tanggapan sa mga opisyal at pangulo ng Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) Federation. Kung maaaprubahan, aakyat sa β±20 ang regular fare sa downtown area, habang magiging β±15 naman para sa mga senior citizen at mga estudyanteng pasok sa diskuwento.
Nilinaw naman ng alkalde na hindi pa ito epektibo at hindi pa maaaring singilin ng mga tsuper dahil kinakailangan pa itong dumaan sa masusing proseso at pinal na aksyon ng Sangguniang Bayan ng Virac, na siyang may hawak ng kapangyarihang magtakda ng taripa. Pormal nang ipinadala ng alkalde ang kahilingan sa Sanggunian nitong Oktubre 5.
Ayon kay Sarmiento, hindi na akma sa kasalukuyang krisis sa gasolina ang lumang ordinansa, kaya't mariin niyang inirekomenda ang pag-amyenda rito upang magkaroon ng mas epektibong mekanismo na awtomatikong magtataas o magbababa ng pamasahe base sa galaw ng presyo ng langis.
Tiniyak ng opisyal na pansamantala lamang ang hakbang na ito at ibabalik sa normal ang singil oras na humupa ang krisis sa petrolyo. Sa huli, nanawagan ang alkalde ng malalim na pang-unawa sa magkabilang panigβhabang kinikilala ang pangangailangan ng mga tsuper na buhayin ang kanilang pamilya, mahalaga ring isaalang-alang ang matinding bigat na dala nito sa mga ordinaryong pasahero.