24/10/2024
ᴏɴᴇ ᴡʀᴏɴɢ ᴍᴏᴠᴇ, ᴘᴡᴇᴅᴇ ᴋᴀɴɢ ᴍᴀᴍᴀᴛᴀʏ
𝐋𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐬𝐭 𝐚𝐡𝐞𝐚𝐝‼️
𝙁𝙞𝙧𝙨𝙩 𝙗𝙖𝙝𝙖 𝙚𝙭𝙥𝙚𝙧𝙞𝙚𝙣𝙘𝙚
Makikita sa video ni Janelle Sabdao ang sitwasyon ng Brgy 19 Cabangan bridge bandang hapon ng October 22, 2024. Ito lang ang daanan para makalabas ka at makaevacuate. As a boarders na 1 month pa lang since lumipat kami, we were not aware na ganito pala ang sitwasyon pag binabaha dito. Maghapon kaming nakastay sa bhouse pero wala man lang nag-inform samin even the landlady na we need to evacuate. Nalaman na lang namin nung umabot na ang baha sa bhouse namin na elevated na compare sa ibang mga kabahayan. So nagpack up kami agad at itinaas ang mga gamit namin at nagplanong mag evacuate na sana kasi matatrap kami sa bhouse pag tumaas pa lalo yung tubig. Pag labas namin, hanggang bewang na ang baha at may mga tali na rin na kakapitan. Kasama namin ang anak ng landlady and if gusto daw namin mag-evacuate ay need daw namin tumawid sa tulay. Compare sa vid, mas mataas na ito na umaabot na hanggang bubong ng tulay. So syempre hindi kami pumayag na tumawid pa kasi one wrong move, pwede kang mamatay dahil sa sobrang lakas ng current.
Bumalik kami ng bhouse at nag-aantay ng tulong. Merong mga 2 storey house pero bilang lang sa kamay at yung iba ayaw magpatuloy. That time, pinapanood na lang talaga namin yung ilog at inaantay na umagos na ito sa d**e pero sabi ko 7pm pa lang, mahaba pa ang gabi. Talagang mamamatay kami if hindi kami gagalaw. Kaya ang isa saaming tatlo ay pumunta at naglakas loob na makiusap sa isa pang may 2 palapag na bahay, buti na lang at nandun yung isang kakilala namin na nakievacuate din at pinakiusapan ang may-ari na patuluyin kami or else reject na naman kami kasi siksikan na daw.
Agad naman kaming binalikan. Habang dala-dala ang mga gamit namin at ang isa ay may hawak na maleta na punong-puno ng mga papeles at gadgets, ay dumaan sa mga masisikip na daan at ang baha ay abot hanggang dibdib na. Nanginginig sa lamig at nangangapa sa dilim, ng biglang may natumbang gate na gawa sa plain sheet ang humarang sa aming daan na naging cause para maantala ang aming pag evacuate. Buti na lang at di tumagal ay naalis din ito.
Pagdating sa bahay ay nagpalit kami kaagad ng damit at pinakain kami ng pancit.
Since nakiusap lang kaming makituloy at dahil siksikan na rin talaga ay tanging sa upuan lang kami natulog pero sobrang thankful pa rin talaga dahil ang importante samin ay safe kami. So far after makaalis ang bagyo sa Bicol, ay wala namang nawalang gamit at hindi nabasa ang mga papeles. Ang motor naman na naipark lang sa labas ng kalsada na ang expected namin ay inanod na, ay wala naman ng gasgas at gumagana pa.
Pakiusap ko lang po sa mga nagpapaupa ng bahay ay please, let your boarders know when and where to evacuate. Kailangan nila kayo lalo na sa mga ganitong sitwasyon.