
17/07/2025
PAALALA SA KALIGTASAN AT SERBISYO NG KURYENTE
July 17, 2025
Dahil sa epekto ng Bagyong Crising, kung saan nakataas na ang Signal No. 1 sa lalawigan ng Catanduanes, ang First Catanduanes Electric Cooperative, Inc. (FICELCO) ay muling nagpapaalala sa publiko na maging mapagmatyag at unahin ang kaligtasan.
Dahil sa masamang panahon, maaaring makaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sa ilang lugar dulot ng malakas na hangin at pag-ulan na makakaapekto sa daloy ng kuryente. Bukod pa rito, maaaring magkaroon ng pansamantalang pagshutdown ng mga Power Provider ng kanilang generator bilang bahagi ng mga hakbang pangkaligtasan.
Mahigpit naming ipinapaalala sa publiko na huwag lalapitan o gagalawin ang anumang naputol o nakalaylay na kable ng kuryente upang maiwasan ang disgrasya. Agad po itong i-report sa mga FICELCO hotline na sakop ang inyong lugar, o magpadala ng mensahe sa aming opisyal na page.
Ang aming mga technical team ay laging nakahandang rumesponde anumang oras sa mga apektadong lugar na nawalan ng kuryente, oras na ideklarang ligtas ang kalagayan para maisagawa ang pagkukumpuni.
Kami po ay humihiling ng inyong pangunawa at kooperasyon sa mga ganitong sitwasyon. Mangyaring i-charge ang inyong mga cellphone o anumang communication device, at iba pang gamit upang manatiling konektado sa mga ulat-panahon at mahahalagang anunsyo.
Ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing layunin. Maging alerto at mag-ingat po tayong lahat.
FICELCO Hotline Nos. https://www.facebook.com/share/p/1CyiGFTHFJ/