Catanduanes Blog News

Catanduanes Blog News An Alternative News Source in the Happy Island of Catanduanes
(1)

If you truly love someone, GET MARRIED!
16/09/2026

If you truly love someone, GET MARRIED!

๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” โ€œ๐—œ๐—ž๐—”๐—ช ๐—”๐—ง ๐—”๐—ž๐—ขโ€ ๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” โ€œ๐—œ ๐——๐—ข, ๐—œ ๐——๐—ข!โ€: ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Bukas na ang pagsusumite ng aplikasyon para sa Kasalang Bayan 2026 ng Local Government Unit of Virac sa pangunguna ng Municipal Civil Registry Office (MCRO), na nakatakdang idaos sa Disyembre 2026.

Kabilang sa mga kwalipikasyon ang pagiging residente ng Bayan ng Virac at kasalukuyang nagsasama nang mahigit limang taon.

Bibigyan din ng prayoridad ang mga aplikanteng may mga anak, dahil kasunod ng programa ang pagproseso ng legitimation ng kanilang mga anak, alinsunod sa mga naaangkop na requirement.

Kailangang personal na magtungo ang mga aplikante at ihanda ang mga sumusunod na dokumento:
1. Birth Certificate
2. Certificate of No Marriage (CENOMAR)
3. Baptismal Certificate
4. Confirmation Certificate
5. Marriage Banns
6. Barangay Indigency
7. Valid IDs ng groom at bride
8. Church Interview/Seminar
9. Affidavit of Cohabitation (para sa 23 edad pataas na nagsasama na sa loob ng 5 taon o higit pa at may anak)
10. Birth Certificate ng anak.
11. Certificate of Tree Planting (from Barangay)
12. Cedula

Magsimula ang pagtanggap ng aplikasyon mula Setyembre 15, 2026 hanggang Oktubre 15, 2026.

Limitado lamang ang bilang ng maaaring tanggapin at paiiralin ang โ€œfirst come, first servedโ€ basis.

Para sa pagsusumite at iba pang detalye, maaaring magtungo sa Municipal Civil Registry Office, Municipal Building, Salvacion, Virac, Catanduanes, at hanapin sina Athena B. Agunday at Eden C. Reyes.


CBNews | ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐—ถ ๐—ป๐—ถ ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—•๐—  ๐—”๐—น๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐—ฒ๐—ฝ-๐—ช๐—ฒ๐—น๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐˜€๐—ฎ 10 ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—จ๐—บ๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ 35๐˜๐—ต ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ปHindi...
16/09/2026

CBNews | ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐—ถ ๐—ป๐—ถ ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—•๐—  ๐—”๐—น๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐—ฒ๐—ฝ-๐—ช๐—ฒ๐—น๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐˜€๐—ฎ 10 ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—จ๐—บ๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ 35๐˜๐—ต ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป

Hindi umusad sa ika-35 Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Catanduanes noong Setyembre 14, 2026 ang panukala ni Acting Provincial Board Member (PBM) Joselito Alberto na magpasa ng resolusyong si Acting PBM Joy Tamayo upang maglaan ng โ‚ฑ28.8 milyong pondo para sa installation ng Deep-Well Water System sa natitirang 10 munisipalidad ng lalawigan.

Kasunod ito ng naunang pag-apruba ng resolusyon para sa bayan ng Caramoran na makakatanggap ng โ‚ฑ2.7 milyon para sa 27 barangay, ang panukulang naipasa ni Acting PBM Joy Tamayo sa 34th Regular Session noong Setyembre 14, 2026. Kasabay nito ang kahilingan ni PBM Alberto na mapondohan din ng โ‚ฑ100,000 ang bawat isa sa 288 pang barangay sa lalawigan upang matugunan ang matinding krisis sa tubig at tag-tuyot dulot ng El Niรฑo.

Bagama't nagpahayag ng suporta at pagsang-ayon si Acting PBM Tamayo at nangakong ihahain ang kaparehong resolusyon, hindi ito naikalendaryo o nai-insert sa 35th Regular Session.




Related Story: https://www.facebook.com/photo?fbid=1648609927271107&set=a.130852172380231

CBNews | ๐—ฃ๐—ฉ๐—ข, ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜†๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผIpinagmalaki ng Provincial Veterinary Offi...
16/09/2026

CBNews | ๐—ฃ๐—ฉ๐—ข, ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜†๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ

Ipinagmalaki ng Provincial Veterinary Office (PVO), sa pamumuno ni Dr. Ramil I. Evangelista, ang kanilang mga naging accomplishment para sa buwan ng Agosto.

Sa kabila ng mga hamon, nagpatuloy ang buong koponan ng PVO sa paghahatid ng responsableng serbisyong biterinaryo para sa mga magsasaka, livestock raisers, at mga may-ari ng alagang hayop sa buong lalawigan.

Binigyang-diin sa ulat ang dedikasyon, propesyonalismo, at pagtutulungan ng buong kawani ng PVO upang itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng mga hayop. Ang kanilang patuloy na pagsisikap ay naglalayong makapagbigay ng makabuluhang tulong sa pamayanan at matiyak ang maayos na kondisyon ng mga alaga sa lalawigan.

Pinasalamatan ng pamunuan ang buong team ng PVO sa kanilang walang sawang paglilingkod at hinimok ang bawat isa na magpatuloy sa mahusay, tapat, at may pusong serbisyo para sa mamamayan.




Source: Provincial Veterinary Office of Catanduanes

15/09/2026

CBNews | ๐—ฅ๐—˜๐—•๐—ฌ๐—จ ๐—ฆ๐—” ๐—›๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—–๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐——๐—จ๐—”๐—ก๐—˜๐—ฆ, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š

Naghain ng panukala si Acting Provincial Board Member Joy Tamayo para sa isang consultative inquiry hinggil sa proseso ng recruitment, ranking, at pagtatalaga ng mga aplikanteng g**o sa lalawigan ng Catanduanes.

Layunin ng nasabing talakayan na linawin ang pagpili at paglalagay ng mga kwalipikadong g**o sa mga bakanteng plantilla position, gayundin ang maayos na pakikipag-ugnayan sa mga aplikante upang maitaguyod ang transparency, merito, patas na oportunidad, at tiwala ng publiko.






Watch: Partial Video of Privilege Speech

CBNews I 'Oplan Kontra Baha' ng DPWH, Isinagawa sa CatanduanesIsinagawa sa Virac, Catanduanes ang Oplan Kontra Baha (OKB...
15/09/2026

CBNews I 'Oplan Kontra Baha' ng DPWH, Isinagawa sa Catanduanes

Isinagawa sa Virac, Catanduanes ang Oplan Kontra Baha (OKB) Coordination Meeting and Inspection na pinangunahan ni DPWH Undersecretary Charles T. Calima Jr., kasama sina Gov. Patrick Azanza, Cong. Leo Rodriguez, mga alkalde, at mga kinatawan mula sa PDRRMO, MDRRMOs, DENR, at iba pang ahensya.

Ang OKB ay tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang magpatupad ng mga pangmatagalang solusyon sa paulit-ulit na pagbaha sa bansa.

Kabilang sa mga nakatakdang proyekto ang paglilinis ng mga baradong kanal at drainage, pag-aalis ng mga sagabal sa daluyan ng tubig, dredging o pagpapalalim ng mga ilog, at paglalagay ng mga pumping station.

Nagbahagi ang mga lokal na alkalde ng sitwasyon ng pagbaha sa kani-kanilang bayan tuwing may kalamidad upang agad itong matugunan ng pambansang pamahalaan at DPWH.

Photo & Source: Rosie Nieva I Radyo Pilipinas Virac

CBNews I DSWD Sec. Gatchalian, Binisita ang Bangus Farm sa Catanduanes; Nag-abot ng Karagdagang PuhunanPersonal na binis...
15/09/2026

CBNews I DSWD Sec. Gatchalian, Binisita ang Bangus Farm sa Catanduanes; Nag-abot ng Karagdagang Puhunan

Personal na binisita ni DSWD Secretary Rex Gatchalian noong Setyembre 14 ang fish pen ng Banawang Inland Fisherfolk SLP Association sa Bato, Catanduanes, kasabay ng "Handog ng Pangulo: Serbisyo Caravan."

Mula sa P320,000 puhunan at pagsasanay ng DSWD-SLP noong nakaraang taon, matagumpay na naipapatakbo ng 16 na mangingisda ang bangus farm sa kabila ng banta ng mga bagyo, sa tulong din ng BFAR, LGU Bato, at CatSU.

Pinag-aaralan ng DSWD ang paggamit ng mas matitibay na materyales para sa fish pen at ang pagpapalawak nito upang mas tumaas pa ang kita ng mga miyembro.

Nagkaloob din ang DSWD ng seed capital sa apat pang asosasyon sa lalawigan bilang bahagi ng pagpapatatag sa pangkabuhayan ng mga mahihirap na sektor.

CBNews | ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—น๐˜€๐—ฎ: ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด โ€˜๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎโ€™ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—š๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ...
15/09/2026

CBNews | ๐—š๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—น๐˜€๐—ฎ: ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด โ€˜๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎโ€™ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—š๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ

Walang ginastos ni isang piso mula sa kaban ng bayan sa pormal na pamamahagi ng mga bangka sa ilalim ng proyektong "Bangka ng Pag-asa (Vessel of Hope)" na isinagawa ngayong araw ng Linggo para sa mga residente ng Caramoran at Pandan.

Binigyang-diin ni Gobernador Patrick Alain Azanza na mula sa kanyang ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™ค๐™ฃ๐™™๐™ค ang ginamit sa pagbili ng mga naturang bangka. Nilinaw ng gobernador na layunin niyang makatulong nang direkta sa pangkabuhayan ng mga kababayan nang hindi umaasa o kumukuha sa badyet ng pamahalaan.

Personal na samahan at tumulong si Acting Provincial Board Member (PBM) Joy Tamayo sa pag-abot ng tulong sa mga benepisyaryo sa bayan ng Caramoran.

Habang naging katuwang si PapaDan Bagay upang matiyak ang maayos na pagpili sa mga mangingisdang higit na nangangailangan ng tulong-pangkabuhayan sa bayan ng Pandan.

Ang proyektong ito ay naglalayong mag-iwan ng inspirasyon na ang tunay na serbisyo publiko at pagtulong sa kapwa ay kayang itaguyod maging sa pamamagitan ng personal na pagsisikap at sariling kusang-loob.

14/09/2026

Sangguniang Panlalawigan
of Catanduanes
35th Regular Session
September 14, 2026

CBN International | ๐—œ๐—ฅ๐—”๐—ก ๐—ง๐—œ๐—š๐—›๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ ๐—š๐—ฅ๐—œ๐—ฃ ๐—ข๐—ก ๐—ž๐—˜๐—ฌ ๐—ข๐—œ๐—Ÿ ๐—–๐—›๐—ข๐—ž๐—˜๐—ฃ๐—ข๐—œ๐—ก๐—ง๐—ฆ โ€” ๐—”๐—ก๐—— ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—œ๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ง๐—”๐—•๐—Ÿ๐—˜ ๐—”๐—ฆ ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—–๐—ฆ ๐— ๐—ข๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—จ๐—  ๐—ฆ๐—›...
14/09/2026

CBN International | ๐—œ๐—ฅ๐—”๐—ก ๐—ง๐—œ๐—š๐—›๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ ๐—š๐—ฅ๐—œ๐—ฃ ๐—ข๐—ก ๐—ž๐—˜๐—ฌ ๐—ข๐—œ๐—Ÿ ๐—–๐—›๐—ข๐—ž๐—˜๐—ฃ๐—ข๐—œ๐—ก๐—ง๐—ฆ โ€” ๐—”๐—ก๐—— ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—œ๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ง๐—”๐—•๐—Ÿ๐—˜ ๐—”๐—ฆ ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—–๐—ฆ ๐— ๐—ข๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—จ๐—  ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—™๐—ง

Stop scrolling. Forget what you thought about global power โ€” this weekend, the ground shifted. Two massive developments just unfolded that will shape prices, trade, and the world orderโ€ฆ and the Philippines is right there watching closely. Hereโ€™s what you need to know ๐Ÿ‘‡

๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง: ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—–๐—›๐—ข๐—ž๐—˜๐—›๐—ข๐—Ÿ๐—— ๐—ง๐—œ๐—š๐—›๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ ๐Ÿšข

The Strait of Hormuz โ€” once the path for 1/5 of the worldโ€™s oil โ€” is now effectively controlled by Iran, which even seized a US drone there to make its stance clear.

Meanwhile, Iran-backed Houthi rebels have taken Perim Island in the Bab el-Mandeb Strait โ€” the gateway to the Red Sea, where 12% of all global trade passes daily. Together, these two chokepoints are now under allied control. Saudi exports are boxed in. Supply lines everyone relies on hang in the balance.

๐—ฆ๐—˜๐—–๐—ข๐—ก๐——: ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—–๐—ฆ ๐—ฆ๐—จ๐— ๐— ๐—œ๐—ง ๐—œ๐—ก ๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—” โ€” ๐—”๐—ก๐—— ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—œ๐—ฆ ๐—˜๐—ก๐—š๐—”๐—š๐—˜๐—— ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡ณ

The 18th BRICS Summit is underway in New Delhi. Leaders from Russia, Iran, Brazil, South Africa, Egypt, Ethiopia and more are gathered. And notably, the Philippines is participating as a guest/observer nation โ€” carefully tracking the blocโ€™s growing influence as it reshapes global trade and finance.

The numbers speak for themselves: BRICS now makes up over 40% of global GDP, while the G7 share has fallen to just 29%. President Putin accused the West of waging "ugly" economic warfare. A new global economic center of gravity is forming โ€” and the Philippines is weighing what this means for its own trade, energy costs, and partnerships.

๐—ง๐—›๐—œ๐—ฅ๐——: ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—™๐—ง โ€” ๐—ช๐—›๐—”๐—ง ๐—œ๐—ง ๐— ๐—˜๐—”๐—ก๐—ฆ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—จ๐—ฆ ๐Ÿ’ฐ

The real game-changer: BRICS is building a payment system that bypasses the US dollar entirely. Nations are linking instant payment platforms โ€” like Indiaโ€™s UPI โ€” and exploring digital currencies to move money directly, fast, and outside Western oversight.

India frames it as inclusive, not anti-dollar โ€” but the result is clear: less reliance on the greenback, more options for emerging economies. For the Philippines, this could mean new trade pathwaysโ€ฆ but also volatility in oil and commodity prices that directly hit Filipino households.

๐—ง๐—›๐—˜ ๐—•๐—œ๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—–๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜

Iran and its allies hold two critical global trade arteries. The worldโ€™s largest emerging economies are building a new financial system right now. And the Philippines is at the table, navigating this new landscape โ€” because every shift here affects the cost of fuel, food, and goods back home.

This isnโ€™t just news. Itโ€™s the world changing โ€” in real time.





CBNews | ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ช๐—”๐——, ๐— ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ข๐—Ÿ๐—•๐—”๐—›๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—จ๐—•๐—œ๐—š๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ซ๐‘จ๐‘ต โ€” Nagsagawa ng joint commit...
12/09/2026

CBNews | ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ช๐—”๐——, ๐— ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—œ๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ข๐—Ÿ๐—•๐—”๐—›๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—จ๐—•๐—œ๐—š

๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ซ๐‘จ๐‘ต โ€” Nagsagawa ng joint committee hearing ang Sangguniang Bayan (SB) ng Pandan upang solusyunan ang patuloy na krisis sa supply ng tubig na nakakaapekto sa mga residente at lokal na negosyo.

Pinangunahan ang pagdinig ni Konsehal Alfonso DQ. Crispino, Chairman ng Committee on Good Governance, Public Ethics, and Accountability. Katuwang ang Committee on Public Infrastructure and Utilities kasama sina Konsehal Marvie L. Niola, Samuel S. Namata, Sheila Cecilia Sanchez-Arcilla, at Rynz Delos Santos.

Kung saan kanilang ipinatawag ang pamunuan at Board of Directors ng Pandan Water District (PAWAD) upang hingan ng paliwanag at suwesyon upang bumuo ng mga pangmatagalang solusyon.

Kabilang sa mga pangunahing napagkasunduan ang pag-turnover sa Pamahalaang Bayan ng pasilidad ng tubig sa Barangay Libod. Tinayak naman ng lokal na pamahalaan na may sapat na pondo at kakayahan ang LGU upang panatilihin at i-upgrade ang pasilidad, na makakatulong sa PAWAD sa pamamagitan ng kanilang umiiral na bulk water supply outsourcing partnership.

Nagpahayag naman ng buong suporta si Pandan Mayor Honesto V. Tabligan II, kasama ang LGU Technical Team. Nagpanukala sila ng mga agarang hakbang para maibsan ang kagipitang pinansyal ng PAWAD at nangakong ilalaan ang ilang infrastructure projects ng bayan para sa serbisyo ng tubig.

Umasa ang mga opisyal na tuloy-tuloy na pagtutulungan ng LGU at PAWAD upang mabilis na maibabalik at mapapaganda ang suplay ng tubig sa bayan.

Source: Kons. Alfonso DQ Crispino

Address

Virac

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Catanduanes Blog News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share