22/10/2025
PhilFIDA Executive Director Arnold Atienza, binisita ang lalawigan ng Catanduanes
Binisita ni Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) Executive Director Arnold Atienza ang lalawigan ng Catanduanes. Dinaluhan ng Direktor ang isinagawang Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) – Regional Office V ang Training on the Safe Operation of the Spindle Stripping Machine with Good Agricultural Practices (GAP) in Abaca Production noong Oktubre 17, 2025, sa San Miguel, Catanduanes.
Layunin ng aktibidad na mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga magsasaka sa ligtas at episyenteng paggamit ng abaca spindle stripping machine, gayundin ang pagpapalaganap ng wastong pangangasiwa ng hibla at pagpapahusay ng kalidad ng abaka sa probinsya.
Dinaluhan ang naturang pagsasanay nina Gobernador Patrick Alain T. Azanza, Alkalde ng San Miguel Hon. Antonio T. Teves, Kinatawan ng TGP Partylist Hon. Jose “B**g” Teves, Jr., PhilFIDA Executive Director Arnold “Ali” I. Atienza, at OIC-Regional Director Mary Anne R. Molina, na kapwa nagpahayag ng kanilang patuloy na suporta sa industriya ng abaka at sa mga masisipag na abaka farmers ng Catanduanes.
Nanindigan ang PhilFIDA sa kanilang misyon na itaas ang antas ng pamumuhay ng mga abaka farmers, alinsunod sa direktiba ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. at DA Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel, Jr., na paigtingin ang industriya ng hibla at tiyakin ang isang masaganang at napapanatiling kinabukasan para sa mga likas na hibla ng bansa.
Via Rey Boton Jr.