21/09/2025
π’π£ππ‘π¬π’π‘ | Hanggaβt may korap, walang kukurap
Umaraw man o umulan, kay ganda pa rin ng panahon, tila umaayon sa panawagan at hamon. Gising na ang bayan, handa nang sumabak sa laban. Tapusin ang korapsyon na bumabalot sa lipunan. Sa araw na ito, kasabay ng paggunita sa ika-53 anibersaryo ng Martial Law, ay siya ring pagtindig at pagpaparinig ng mga Pilipino upang matuldukan ang korapsyon, na siya ring maituturing na pagtatraydor sa sariling bansa.
Sa gitna ng samuβt saring emosyon, nangingibabaw ang tuwa at galitβtuwa dahil sa unti-unting pagkadilat ng sambayanan sa katiwaliang matagal nang sumusukob sa atin; galit dahil nakakasawa na ang paulit-ulit na panlilinlang. Hanggang kailan tayo magiging mga turumpong pinaiikot sa palad ng iilan?
Ayon sa inilabas na listahan ng Department of Justice, 43 na contractors at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang sangkot sa mga maanomalyang flood-control project. Isa na rito ang mag-asawang Discaya na umaming nagbabayad ng βstandard operating procedureβ o SOP na 10β25% sa mga opisyal ng DPWH kapalit ng proyekto. Dagdag pa rito, halos bilyon-bilyong halaga ang inalaan para sa mga proyektong ito, subalit walang nangyayariβpatunay na ang salapi na imbis na magbunga ng mabuting pagbabago ay napupunta lamang sa wala.
Tunay nga ang sinabi ng mamamahayag na si Jessica Soho sa kanyang programa noong ika-27 ng Agosto: βhindi tayo lulubog sa baha bagkus sa kasakiman.β
Sa kabilang banda, malinaw ang batas pagdating dito. Nakasaad sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na ipinagbabawal ang tuwiran o di-tuwirang pagtanggap ng anumang porsyento ng kontrata, gayundin ang pakikipagsabwatan ng opisyal at pribadong kontraktor upang ibulsa ang pondo ng bayan. Ayon sa section 3 (a) ng nasabing batas, maituturing na paglabag ang pagpilit o pagkumbinsi at pag-impluwensiya ng ibang tao na makipagsabwatan upang gumawa ng isang katiwalian. Higit sa lahat, nilalabag ng ganitong gawain ang isang prinsipyo na nakapaloob sa ating Konstitusyon, na ang βPublic office is a public trust."
Ang ating buwisβpinaghirapan at katas ng pawisβang siyang nagiging sandigan ng marangyang pamumuhay ng mga ilang buwaya. Samantalang sa panahon ng kalamidad, milyon ang nagdurusa at libo ang nagbubuwis ng buhay dahil ang pondong para sa proteksiyon ay matagal nang nailigpit sa bulsa ng iilan.
Ang nakapangingilabot pa, tila natutulog nang mahimbing ang mga may sala, habang ang karaniwang Pilipino ay lumulusong sa baha upang mabuhay lamang.
Ngayon, malinaw na ang panawagan: tigilan ang kasakiman, ibalik ang pera ng bayan at panagutin ang mga may sala. Hindi na ito simpleng sigaw ng galit, bagkus sigaw ng pagkadismaya ng mamamayang sawa na sa paulit-ulit na siklo ng pandaraya.
Ang sambayanan ay nagkakaisa. At sa pagkakapit-bisig na ito, hindi matitibag ang boses ng taong-bayan. Ang pagkakaisang ito ay higit na matibay kaysa sa anumang estruktura ng kasinungalingan. Heto tayo ngayon, imbes na umaalingawngaw ang tinig ng pag-unlad, ang naririnig ay hiyaw ng pananagutan. Upang hindi na muling humantong sa ganito, importanteng mas pagtibayin ang laban kontra korapsyon sa pamamagitan ng mas istriktong sistema pagdating sa pagpapatupad ng mga proyekto at mas bukas na proseso upang bantay sarado hindi lamang ng gobyerno, pati na rin ng normal na Pilipino. Tapos na ang panahon ng pagtitimpi, oras na para magmasid at maningil.
Malalim na ang baha ngunit kaya pa nating lumangoyβhindi para lamang mabuhay, kundi upang makatawid tungo sa mas maayos na bukas. Panahon na upang tapusin ang kasinungalingan. Panahon na upang bawiin ang dignidad at igiit na ang buwis ng mamamayan ay para lamang sa mamamayan, hindi para sa iilan.
Para sa mga tiwaling nakaupo: ibalik ninyo ang pera ng taong-bayan. Pagbayaran ninyo ang inyong kasalanan. Walang umuunlad na hindi pinaghihirapan.
At para sa mga boses na lumalaban, sa mga nakikibaka at nagkakaisaβmaraming salamat. Kahit malayo, dala ninyo ang suporta ng nakararami. Kasama ninyo ang bayan sa bawat martsa, daing at panawagan.
Sapagkat hanggaβt may korap, walang kukurap.
---
Isinulat ni Lea Jose