11/08/2025
"BALIK ISLAM"
Sila yung mga taong Tinalikuran nila ang kanilang nakagisnang relihiyon upang tahakin ang Katotohanan at bumalik sa Totong relihiyon ang (ISLAM)
Sila yung mga taong masasabi nating isa sa mga sinubukan ng matinding pagsubok ng Allah, Ang hirap ng Sitwasyon nila sapagkat nang sila'y yumakap sa ISLAM, nagsimula ng magbago ang paningin sa kanila ng kanilang mga magulang, Kamag anak,Kaibigan nila, ito ang karaniwang pagsubok ng mga Balik ISLAM swerte na nila kung wala silang bisyo lalong pagsubok ito sa kanila dahil sa ISLAM ay Pinagbabawal na ang mga Bisyo, Hanga ako sa mga Balik islam na Naging matiisin/matatag sa kanilang relihiyon(ISLAM)
Kaya mga kapatid kung sila'y magkakamali wag agad natin silang Husgahan, Wag agad natin silang itaboy, may iilan sa kanila na Hindi pa masyadong naisasabuhay ang ISLAM kaya maging matimpiin tayo sa paghihikayat sa kanila, hindi sila perpekto at wala naman talagang taong perpekto, kaya kapag sila'y nagkamali o nakagawa ng labag sa islam, Gawin natin ang lahat ng Paraan upang maintindihan nila ang kalagayan dahil sila ay bago pa lamang sa Pagsasabuhay ng Katotohanan.