Sinagtik

Sinagtik Ang opisyal na pamahayagang pangmag-aaral ng WMSU ILS HS.

Maligayang Kaarawan, Gng. Mennalyn Masillam! Menn Au-Msllm Malugod at taos-puso naming ipinapaabot ang aming pagbati sa ...
21/07/2026

Maligayang Kaarawan, Gng. Mennalyn Masillam! Menn Au-Msllm

Malugod at taos-puso naming ipinapaabot ang aming pagbati sa inyong kaarawan. Maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay, pagtitiwala, at malasakit sa bawat kasapi ng SinagTik. Ang inyong sipag, dedikasyon, at mabuting halimbawa ang patuloy na nagbibigay sa amin ng inspirasyon upang paghusayin ang aming kakayahan at gampanan nang buong puso ang aming tungkulin bilang mga mamamahayag.

Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at masaganang biyaya. Hangad namin ang marami pang taon na puno ng kagalakan, tagumpay, at pagpapala para sa inyo.

Muli, maligayang kaarawan po!

Mula sa inyong pamilyang SinagTik

LATHALAIN | WMSU ILS-HS, Matagumpay na Inilunsad ang Club Expo 2026-2027Ngayong Hulyo 17, 2026, idinaos ang isang ikinah...
18/07/2026

LATHALAIN | WMSU ILS-HS, Matagumpay na Inilunsad ang Club Expo 2026-2027

Ngayong Hulyo 17, 2026, idinaos ang isang ikinahihintay na Club Expo sa lobby ng WMSU ILS-HS para sa taong panuruang 2026-2027. Binigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral mula sa lahat ng antas ng baitang upang maghanap at pumili ng kapisanang angkop sa kanilang mga interes.

Naghanda at naglagay ng malikhaing dekorasyon ang bawat organisasyon sa kani-kanilang lugar upang pukawin ang atensyon ng mga mag-aaral. Matapos ang ilang oras ng paghahanda at pagdidekorasyon, nagsimula na ang pagpaparehistro sa mga kapisanan pagdating ng alas otsyo y medya.

Pagkatapos ng pagrerehistro, isinagawa na ang oryentasyon ng bawat kapisanan sa kanilang inatasang silid-aralan. Dito ipinapakilala ang adhikain at layunin ng organisasyon para sa mga bagong miyembro. Kasunod naman ang pagpipili ng mga bagong opisyal na mamumuno sa organisasyon.

Sa kabila ng limitadong na espasyo at oras na ibinigay para sa Club Expo, hindi pa rin nawala ang pagkamaligaya na idinulot ng bawat kapisanan. Mayroon silang sariling paraan upang ipadama sa mga mag-aaral ang tunay na diwa ng pagkakaisa at saya habang nagsusumikap.

Sulat Ni: Danielle Cassidy Balolot
Kuha Ni: Ehzan De Vera at Moh Tahanan

BALITA | Unang Homeroom PTA Meeting ng WMSU ILS HS, matagumpay na ginanapGinanap noong 3:00 ng hapon, Hulyo 17 ang Unang...
18/07/2026

BALITA | Unang Homeroom PTA Meeting ng WMSU ILS HS, matagumpay na ginanap

Ginanap noong 3:00 ng hapon, Hulyo 17 ang Unang Homeroom PTA Meeting ng WMSU ILS HS para sa kasalukuyang taon ng pag-aaral.

Layunin ng nasabing pagpupulong na ihanda at bigyang-kamalayan ang mga magulang patungkol sa mga bagong patakaran, programa, at pamamaraan ng paaralan.

Bukod sa bagong sistema ng edukasyon, binalangkas din sa pulong ang mga alituntunin sa silid-aralan, at mga darating na aktibidad. Sa pamamagitan nito, inaasahang mas magiging solido ang pagtutulungan ng mga g**o at pamilya sa paggabay sa mga mag-aaral.

Sulat Ni: Juby Mendrez
Kuha Ni: Yushreena Janani

BALITA | WMSU ILS-HS muling idinaos ang Loyalty DayMuling idinaos ng WMSU ILS - High School ang taunang aktibidad na "Lo...
08/07/2026

BALITA | WMSU ILS-HS muling idinaos ang Loyalty Day

Muling idinaos ng WMSU ILS - High School ang taunang aktibidad na "Loyalty Day" noong Hulyo 8, 2026 na naglalayong ipakita ang pagkakaisa, pananagutan, at malasakit ng mga mag-aaral sa kanilang institusyon.

Pinangasiwaan ng mga g**o at tagapayo ang mga gawain ng mga mag-aaral upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng aktibidad bilang paghahanda sa panibagong taong panuruan.

Sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis at pag-aayos ng mga silid-aralan at kapaligiran ng paaralan, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagkakaisa at dedikasyon sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob ng paaralan.

Sulat ni: Shahyana Ismael
Kuha ni: Ehzan de Vera

Masayang Programa, Naging Hudyat ng Pagbubukas ng Taong-Panuruan 2026–2027 sa WMSU ILS-HSILS-HS Lobby — Pormal na binuks...
07/07/2026

Masayang Programa, Naging Hudyat ng Pagbubukas ng Taong-Panuruan 2026–2027 sa WMSU ILS-HS

ILS-HS Lobby — Pormal na binuksan ang taong-panuruan 2026–2027 sa ILS-HS sa pamamagitan ng isang programang inihanda ng El Supreme Consejo kasabay ng pagpapatupad ng 3-Term Calendar.

Dinaluhan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ang programa kung saan ipinakilala ang mga g**o at mga opisyal departamento. Inanunsyo rin ang mga seksyon ng bawat antas bilang paghahanda sa pagsisimula ng mga gawaing pang-akademiko.

Bilang bahagi ng programa, nagtanghal ng mga yell ang bawat antas upang ipakita ang kanilang pagkakaisa, sigla, at kahandaan sa bagong taong-panuruan. Naging masigla at makulay ang pagbubukas ng klase, na nagsilbing hudyat ng panibagong yugto ng pagkatuto para sa buong pamayanan ng ILS-HS.

Kuha ni: Ehzan de Vera

Pagbati sa iyong tagumpay!! 🎉
08/06/2026

Pagbati sa iyong tagumpay!! 🎉

𝑶𝒏𝒄𝒆 𝒂 𝒍𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒕𝒖𝒅𝒆𝒏𝒕 𝒃𝒐𝒅𝒚, 𝒏𝒐𝒘 𝒂 𝒍𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓 𝒂𝒎𝒐𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏'𝒔 𝒇𝒊𝒏𝒆𝒔𝒕 ✨

The El Supremo Consejo proudly congratulates our former President, 𝑬𝑫𝑺𝑯 𝑹𝒀𝑳𝑬 𝑺𝑨𝑳𝑬𝑺 𝑹𝑶𝑺𝑨𝑳𝑬𝑺, 𝑶𝑻𝑹𝑷, for securing 𝗥𝗮𝗻𝗸 𝟭 in the June 2026 Occupational Therapists Licensure Examination. 🏆

A leader then and an achiever now, you continue to embody the values and service that defined your time in ESC. 🌟

Your remarkable achievement serves as an inspiration to the next generation of student leaders to pursue their goals with passion and purpose. 🚀

Your WMSU ILS HS family celebrates this milestone with immense pride and admiration. 💛💙

Ipinagmamalaki kayo ng SinagTik! Gennalyn Apidol Yargo Panghilan
04/06/2026

Ipinagmamalaki kayo ng SinagTik! Gennalyn Apidol Yargo Panghilan

Mag-donate na! 🫰🏻
23/05/2026

Mag-donate na! 🫰🏻

Puno ng iba’t ibang kaganapan ang departamento ng ILS-HS sa loob ng isang taong-panuruan. Bilang opisyal na publikasyong...
23/05/2026

Puno ng iba’t ibang kaganapan ang departamento ng ILS-HS sa loob ng isang taong-panuruan. Bilang opisyal na publikasyong Filipino ng departamento, inihaharap namin ang soft copy ng mga likha ng mga mamamahayag na may dedikasyon at katapatan sa kanilang tungkulin.

Naglalaman ang labindalawang pahinang publikasyong ito ng iba’t ibang pangyayaring naganap sa loob ng taong-panuruan, kabilang ang pagpapamalas ng husay, galing, at talento ng mga mag-aaral sa loob at labas ng unibersidad. Bunga ito ng patuloy na pagtataguyod sa pagsusulat ng mga artikulong naaayon sa sinumpaang tungkulin ng isang mamamahayag.

Sa mga nagsipagtapos na kasapi ng editoryal na pangkat ng SinagTik noong nakaraang taong-panuruan, nawa’y manatiling buhay sa inyong puso ang ating paniniwalang, “Ang aming tinta ay hindi natutuyo; ang aming tinig ay patuloy na maririnig.”

Sa mga nananatili at sa mga bagong kasapi, patuloy nating pagyamanin ang ating kakayahan at panindigan ang adbokasiyang mamamahayag nang may integridad at katapatan sa bawat balitang ating inilalahad sa departamento.

Para sa mga mag-aaral baitang 7-9, ang inyong hard copy na pahayagan ay matatanggap sa darating na enrolment!

Address

Normal Road Baliwasan
Zamboanga City
7000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sinagtik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category