Journal of Eirene

Journal of Eirene "Real Experience, True Testimonies, GOD's Faithfulness”

‎Maraming ministry leaders ang nagtatanong, "Bakit biglang hindi na active si ganito?" o "Bakit parang wala na siyang ga...
10/07/2026

‎Maraming ministry leaders ang nagtatanong, "Bakit biglang hindi na active si ganito?" o "Bakit parang wala na siyang gana maglingkod?"
‎
‎Ang totoo, ang disengagement ay kadalasang hindi nangyayari sa isang araw. Unti-unti itong nabubuo hanggang sa tuluyan nang mawalan ng passion ang isang tao sa ministry.
‎
‎1. 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚.
‎
‎Hindi lahat ng burnout ay dahil tamad ang tao. Minsan, matagal na silang nagbibigay pero wala nang nag-aalaga sa kanila.
‎
‎"Come away by yourselves to a desolate place and rest a while." — Mark 6:31
‎
‎Maging si Jesus ay nagbigay ng panahon para magpahinga ang Kanyang mga alagad. Ang pahinga ay hindi kawalan ng commitment—bahagi ito ng healthy ministry.
‎
‎2. 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐬𝐢𝐥𝐚 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐝𝐢𝐧𝐢-𝐝𝐢𝐬𝐜𝐢𝐩𝐥𝐞.
‎
‎Mas madaling mag-assign ng trabaho kaysa mag-develop ng tao. Ang layunin ni Jesus ay hindi lamang magkaroon ng mga manggagawa kundi mga disipulo.
‎
‎"Go therefore and make disciples of all nations..." — Matthew 28:19-20
‎
‎Ang ministry ay hindi lang tungkol sa paggawa ng gawain, kundi sa paglago ng tao.
‎
‎3. 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚.
‎
‎Ang simpleng appreciation, encouragement, at pakikinig ay malaking bagay.
‎
‎"Therefore encourage one another and build one another up." — 1 Thessalonians 5:11
‎
‎Ang mga tao ay mas tumatagal sa ministry kapag nararamdaman nilang sila ay pinahahalagahan.
‎
‎4. 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐮𝐧𝐫𝐞𝐬𝐨𝐥𝐯𝐞𝐝 𝐜𝐨𝐧𝐟𝐥𝐢𝐜𝐭𝐬.
‎
‎Ang sama ng loob na hindi naaayos ay unti-unting pumapatay ng passion sa paglilingkod.
‎
‎"If your brother has something against you... first be reconciled to your brother." — Matthew 5:23-24
‎
‎Hindi lalago ang ministry kung ang mga relasyon ay laging napapabayaan.
‎
‎5. 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧.
‎
‎Kapag ang ministry ay naging routine na lang, nawawala ang excitement.
‎
‎"Where there is no vision, the people perish." — Proverbs 29:18 (KJV)
‎
‎Kapag malinaw ang misyon, mas madaling manatiling committed.
‎
‎6. 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐚𝐲 𝐮𝐧𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐲.
‎
‎Favoritism, gossip, manipulation, at unhealthy leadership ang ilan sa mga dahilan kung bakit umaatras ang mga tao.
‎
‎"Do nothing from selfish ambition or conceit, but in humility count others more significant than yourselves." — Philippians 2:3
‎
‎Ang healthy ministry ay nagtataguyod ng kababaang-loob, pag-ibig, at paggalang sa isa't isa.
‎
‎7. 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐧𝐚𝐩𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐫𝐞𝐥𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐲𝐨𝐬.
‎
‎Hindi sapat na busy sa ministry. Kung walang personal na panalangin, pagsamba, at pag-aaral ng Salita ng Diyos, madaling maubos ang espirituwal na lakas.
‎
‎"Abide in Me... apart from Me you can do nothing." — John 15:4-5
‎
‎Hindi natin kayang maglingkod nang pangmatagalan kung hindi tayo nananatili kay Cristo.
‎
‎𝐀𝐧𝐠 𝐒𝐨𝐥𝐮𝐬𝐲𝐨𝐧
‎
‎Ang sagot ay hindi lamang sabihing, "Maglingkod ka ulit." Kailangan muna nating alamin kung bakit sila nag-disengage.
‎
‎Bilang mga lider, tinatawag tayong hindi lamang mag-recruit ng volunteers kundi mag-alaga, magturo, mag-restore, at magmahal ng mga ipinagkatiwala sa atin.
‎
‎"Bear one another's burdens, and so fulfill the law of Christ." — Galatians 6:2
‎
‎𝐇𝐚𝐦𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝
‎
‎Hindi lahat ng nagdi-disengage ay tumalikod na sa Diyos. Marami ang napagod, nasugatan, nawalan ng direksyon, o naputol ang koneksyon sa misyon.
‎
‎𝐍𝐚𝐰𝐚'𝐲 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐮𝐫𝐢 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐢𝐠𝐥𝐞𝐬𝐢𝐚 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲, 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬, 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝.
‎
‎"Let us not grow weary of doing good, for in due season we will reap, if we do not give up." — Galatians 6:9
‎
-Eirene-

"Bahala na si Lord" is not faith. And I say that with full respectto everyone who grew up with that phrase. Kasi gets ko...
07/07/2026

"Bahala na si Lord" is not faith.

And I say that with full respect
to everyone who grew up with that phrase.

Kasi gets ko kung saan galing yun.

There is real comfort in surrender.
There is real peace in trusting God
with things outside your control.

But somewhere along the way,
yung surrender became an excuse
to not move.

Look at every person in the Bible
that God used for something significant.

Noah didn't say "bahala na si Lord"
and wait for the flood to pass.

He built an ark.

Moses didn't say "bahala na si Lord"
at the edge of the Red Sea.

He raised his staff and moved.

David didn't say "bahala na si Lord"
when he faced Goliath.

He picked up the stones.

Every single one of them moved first.

And God showed up in the middle
of their movement,

hindi sa paghihintay.

Kasi yung "bahala na si Lord"
na may halong pagtunganga na nag-aabang ng blessing...

hindi yun pagtitiwala.

Pag-asa lang yun,
it's not faith

Here's the truth.

Real faith is not passive.

It's moving forward
with the full belief
that you are not doing it alone,

habang ginagawa mo yung part
na nasa kamay mo. 🙏

🥺
05/07/2026

🥺

05/07/2026

DISCIPLESHIP IS NOT A CHURCH PROGRAM. IT’S A LIFESTYLE.

Maraming gustong mag-preach.
Kaunti ang gustong mag-disciple.

Maraming kayang magsalita sa stage.
Pero hindi lahat kayang mag-invest ng buhay sa tao.

Discipleship is more than weekly meetings.
More than filling up a booklet.
More than checking attendance.
More than finishing a lesson.

Discipleship demands your LIFE.

Hindi ka lang nagtuturo.
Nagmumodelo ka.
Naglalakad ka kasama nila.
Umiiyak kasama nila.
Nagtitiis kasama nila.
At paulit-ulit mo silang ibinabalik kay Cristo.

At oo… mahirap.

Kasi habang gumagawa ka ng disciples, lalaban ang mundo.
Lalaban ang laman.
Lalaban ang diyablo.

Bakit?

Dahil alam nilang kapag totoong disciples ang nabuo, lalawak ang Kaharian ng Diyos.

Kaya tigilan na natin ang pagtrato sa discipleship na parang isa lang sa maraming church activities.

Discipleship IS the ministry.
Discipleship IS the mission.
Discipleship IS the model of the Church.

Hindi nagtayo si Jesus ng event.
Hindi Siya nagtayo ng entertainment.
Hindi Siya nagtayo ng audience.

Nagtayo Siya ng disciples.

Hindi lang Siya nagturo sa kanila.
Ibinahagi Niya ang Kanyang buhay sa kanila.

Kung ang lifestyle mo ay puro serbisyo pero walang discipleship, baka busy ka lang—pero hindi ka sumusunod sa modelo ni Cristo.

Oo, mahirap ang discipleship.

Pero kung nagawa ni Jesus na ibigay ang Kanyang buhay para sa Kanyang mga alagad…

Ano ang dahilan natin para hindi gawin ang mga bagay din na ito?

“Go therefore and make disciples of all nations…” — Matthew 28:19

Hindi tayo tinawag para lang dumami ang attendees. Tinawag tayo para dumami ang disciples.

— Pastor Kim 🔥

todays prayer🙏🙌
02/07/2026

todays prayer🙏🙌

Address

Zamboanga City
7000

Telephone

+639553622354

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Journal of Eirene posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share