
25/01/2025
Pag napansin ninyo ang inyong anak ay nagsus**a (kahit matanda) Tandaan ninyo na wag pakainin agad o painumin ng tubig.
Hayaan ninyo na kumalma ang tiyan ng inyong anak. “Eh kasi nauuhaw” Mali hong paraan, I will explain po imagine ang softdrinks ay tiyan at ang mentos ang pagkain ilagay mo sa softdrinks— sasabog diba?
Ganoon din ang tiyan pag hindi OK puro acid na ang laman kaya pag nilagay mo na nagwawala pa ang tiyan sus**a at sus**a talaga yan— hayaan mong makapaghinga ng 2-4 hours bago mo uli bigyan.
2 hours pag hindi kaya magtiis, 4 hours maximum to completely maging maayos ang tiyan . Try mo pakainin ng skyflakes— at paunti unting tubig after 2-4 hours na pahinga ng tyan. then observe.
- ma oil (like fried) Preservatives foods, Sa ngayon bawal muna ang gulay at prutas— remember masakit ang tyan mahapdi ang tyan walang laman ang tiyan pakainin mo niyan — pansinin mo mamimilipit yan sa sakit.
— Give ORS o oresol agaran pamalit sa mga nawalang electrolytes (madalas manghina, kasi nawawalan nito pag nags**a) Vivalyte /pedialye/ hydrite— for babies and kids vivalyte is masarap. Para siyang juice pero pag ok na si baby stop na to mahirap naman na masobrahan- Volume per volume ang pagpalit sa nawala— kapag sumuka painumin ng mga oresol/ vivalyte at pedialyte.
, Nilagang baboy yung sabaw nun sa malambot na kanin — sira ang tyan ng bata so ang ibigay mo ay easy to digest foods po.
Wag ka magtaka pag nagtae ang bata— kasunod ng pagsus**a ay pagtatae, wala kasing kinakain ang bata kaya most likely tubig ang ilalabas niyan😇
- Pag sige pa rin ang s**a 3- 4x palang please seek your pedia and go to your nearest emergency room hospital. Ang dehydration ay mas mahirap pagalingin once na mawalan ng tubig sa katawan,
Hirap hanapan ng ugat(magtatry ng magtatry ang mga nurse/ doctors sa paghanap ng ugat) putukin pa ang ugat kasi weak na ang system mo weak na ang mga ugat. Nilalagnat! sign na may dehydration na nangyayari. Kaya mas magandang aware kaysa maging malala. .
-Additional po— Medication can be PRESCRIBED po by the DOCTORS only.
Dont be an ignorant! Be fully AWARE.