Hugot Piece

Hugot Piece 📝Prose poetry

🧩Hugot piece – informal term used for emotionally driven thoughts or expressions, especially those with emotional depth or “sakit.”

23/05/2025

"KAILAN MO HULING MINAHAL ANG SARILI MO?"

Hindi ‘yung pagmamahal na panakip-sakit.
Hindi ‘yung pagbili ng kung ano lang… para lang may maramdaman.
Hindi ‘yung pagtawa sa harap ng salamin para lang masabing "okay ka."

Kailan mo talaga niyakap ‘yung buong ikaw?
Yung pagkukulang mo, kahinaan mo,
Yung mga gabi na hindi mo alam kung bakit ka umiiyak.

Kailan mo huling piniling patawarin ang sarili mo?
Hindi dahil madali, kundi dahil deserve mong maging malaya.

Kailan mo huling sinabi sa sarili mong:
"Tama na, sapat na ako."

Kasi sa dami ng binibigay mong pagmamahal sa iba…
Nakalimutan mo na kung paano mahalin ang nag-iisan "ikaw".




















23/05/2025

"Sino ka kapag wala kang kailangang patunayan?"

Kapag wala kang kailangang i-post...
Kapag walang palakpak, walang audience, walang likes...
Sino ka?

Kapag hindi mo na kailangang maging matalino, magaling, o palaging tama—
Anong klaseng tao ka sa katahimikan?

Kapag hindi ka inaasahang maging strong,
kapag hindi mo kailangang ngumiti para lang masabing “okay ka”...
Sino ang natitira?

Ikaw ba’y masaya, o pinipilit lang maging maganda sa mata ng iba?

Baka kasi masyado kang nalulong sa pagpapakita,
Nakalimutan mo na kung paano lang basta maging...

Maging totoo.
Maging sapat.
Maging ikaw.

Kaya bago mo tanungin kung anong tingin nila sa’yo,
Tanungin mo muna sarili mo:

“Sino ako…
kapag wala akong kailangang patunayan?”




















23/05/2025

“IKAW, KUMUSTA KA NA?”

Isang simpleng tanong, pero ang hirap sagutin... lalo na kapag seseryosohin.

Bakit nga ba parang wala nang nangungumusta sa atin?
Pero teka—tayo ba, kinumusta mo rin ba sila?
Mahirap din pala magtanong, noh?
Hindi dahil wala tayong oras,
o wala tayong pakialam.
Minsan, takot tayong marinig ang kanilang kwento,
Takot tayong ipakita ang inaakala nating kahinaan.
Hindi tayo handa sa masinsinang usapan.

Pero sa totoo lang, sa kaloob-looban natin…
Gusto rin nating matanong,
Gusto rin nating maramdaman na may nag-aalala sa'tin,
na may nag-aalala.
Na may taong handang makinig kahit walang sagot.

“Kumusta ka na?”
Isang tanong na sana, hindi lang sa inuman napag-uusapan.
Isang tanong na sana, napaghahandaan nating pag-usapan.
Dahil minsan kailangan din nating bawasan ang bigat nang ating pinapasan.




















Address

Zamboanga City
7000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hugot Piece posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Hugot Piece:

Share