
04/03/2025
First Lady Liza Marcos, Nilinaw ang Sanhi ng Pasa sa Mata
Ipinaliwanag ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang dahilan ng pasa sa kaniyang mata matapos itong mapansin ng publiko sa isang opisyal na pagdalo.
Ayon sa First Lady, lumala ang kaniyang eye allergies, dahilan upang hindi siya makasama sa isang event na nais niyang puntahan. Dagdag pa niya, nadapa rin siya sa sementadong daan, na nagdulot ng mas matinding pinsala sa kaniyang kaliwang bahagi ng katawan.
“Akala ko wala nang mas sasama pa—nadulas ako sa semento at bumagsak nang malakas sa kaliwang bahagi ng katawan. Ang sakit!” pagbabahagi niya.
Napansin ng mga netizens ang kaniyang pasa sa mata nang dumalo siya sa inauguration ng Phase 3 ng Pasig River Urban Development Project noong Pebrero 27. Matapos nito, agad siyang nagpaliwanag upang matigil ang espekulasyon ukol sa kaniyang kondisyon.
Ito yung video👉 https://newsfeedph.info/video-Fw6Z5Zt7jLWq9WjeDYs3WR4fbYaJciq2mdKyvdaXcdsi