30/12/2025
Tanong ni Dr. Evelyn Songco , dating Pangulo ng Philippine Historical Association , saan nagkulang ang Kursong Rizal at Kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga kurap naman ay nagtapos ng kolehiyo at may mga subject na Rizal at Kasaysayan ng Pilipinas. Sadyang di nila pinili ang landas na mabuti. Kulang tayo sa nasyonalismo, na makukuha ng isang estudyante sa mga Kursong Rizal at Kasaysayan ng Pilipinas. "Nagkulang tayo sa pagkurot sa puso ng mga mag-aaral," ani pa niya. "Bakit kapag estudyante bukambibig na 'mahal ko ang bayan ko.' Bakit nang pumasok sa gobyerno, naging mahina ang karakter nila."
Patuloy pa rin ang Rizal Day Roundtable on Teaching Rizal sa Museo Ni Dr. Pio Valenzuela .