01/09/2025
๐ก๐๐ช๐ฆ | ๐๐๐ซ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฉ๐, ๐๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐
Bilang pagpatuloy ng mga aktibidad para sa Buwan ng Wika, isinagawa ng Filipino Club ang paligsahan sa larong "Sipa" noong Agosto 11, 2025 sa ZCHHS Covered Court.
Nilahukan ito ng mga mag-aaral mula sa iba't-ibang baitang ng Junior High School na buong siglang nagtagisan ng galing at bilis. Ang mga kalahok ay nagpakita ng husay nila sa paglalaro habang hinihikayat ng kanilang mga kaklase, na lalong nagbigay sigla sa kapaligiran.
Ang Sipa, isa sa mga pinakamatandang larong Pilipino, ay ginamit bilang paraan upang muling buhayin ang pagpapahalaga sa tradisyonal na laro ng bansa. Bukod sa kasiyahan, layunin ng patimpalak na ipakita sa mga kabataan na ang mga larong bayang ito ay may malaking parte sa pagkakakilanlan, pagkakaunawaan, at pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Ang mga nanalo ay pinarangalan batay sa husay, bilis, at tiyaga sa laro. Ang nasabing paligsahan ay isa lamang sa mga aktibidad ng Filipino Club upang higit pang palaganapin ang pagpapahalaga sa ating sariling wika, sining, at kultura.
โ๏ธ: ๐
๐๐ญ๐ข๐ฆ๐ ๐๐ฌ๐ก๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐ซ๐๐ง๐ข, ๐๐๐ง๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ
๐ผ๏ธ: ๐๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ง๐ ๐๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ซ๐ข ๐๐๐ซ๐๐จ๐ง, ๐๐๐๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐๐๐ฅ ๐. ๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ
๐ธ: ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐๐ซ๐ข๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐
. ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ณ, ๐๐ฌ๐ฌ๐จ๐๐ข๐๐ญ๐ ๐๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ ๐๐ง๐ ๐
๐๐ญ๐ข๐ฆ๐ ๐๐ฌ๐ก๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐ซ๐๐ง๐ข, ๐๐๐ง๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ