09/02/2024
Aral mula ky: Shaykh Zulameen Puti Hadizahullah
PAANO ILALABAS ANG ZAKAT MULA SA ISANG NEGOSYO "5"?
👉Ang kahulugan nito ay: Ang Lahat na inilaan o inihanda para sa kalakalan "bussiness" mula sa mga pinagpuhunan, tulad ng anumang uri na negosyong halal, real state, mga gusali, mga paupahang bagay, o mga pagbebenta ng sari-saring paninda.
♦️Kapag lumipas ang isang taon simula ng ikaw ay mag-umpisang magnegosyo ay kailangan mong ibigay ang Zakat ng iyong negosyo.
♦️Kuwentahin mo ang buong halaga ng iyong negosyo "kasama na ang capital" sa kasalukuyang presyo at isama mo narin ang anumang hawak mong cash pati narin ang halaga ng inutang sa iyo na may kasiguraduhang magbayad.
♦️Anuman ang kalalabasang halaga pagkatapos mong kuwentahin ay ilabas mo mula rito ang 2.5% bilang Zakat ng iyong negosyo.
♦️Ang Nisab ng Zakat (tamang sukat) sa araw na ito April 16,2022 ay 25,585 pesos.
♦️Kapag umabot sa halagang yan o mas mataas pa ay kailangan mo nang ibigay ang Zakat!!
👉👉 Bilang paglilinaw:
-Nag-umpisa ka magnegosyo sa buwan ng Muharram (unang buwan ng Islamikong kalendaryo) at naglaan ka kunwari ng 10,000 pesos.
-Pagsapit ng Muharram sa sunod na taon at umabot ang kabuuwang halaga ng iyong paninda sa kasalukuyang presyo ng 80,000 at may hawak kang 10,000 at may utang sa iyo na halagang 10,000 na may kasiguraduhang babayaran ka,
-Magkagayun, Ang pamamaraan ng pagkuha ng Zakat mula rito ay ganito:
80,000+10,000+10,000 at ang kabuuwan ay 100,000 pesos
-Ang kukuhanan mo ng Zakat ay 100,000 at babawasan mo ng 2.5% bilang Zakat.
0.025x100,000=2,500
-Ang ibibigay mong Zakat ay 2,500
-Ang Nisab (sukatan) sa negosyo ay kung ano ang Nisab ng Silver (pilak)
-Sa ngayon ang Nisab ng Pilak sa Pilipinas ay 25,585 pesos.
Kapag ang halaga ng iyong negosyo ay umabot sa ganyang halaga o pataas ay obligado nang kuhanan ng Zakat.
♦️♦️ DAGDAG KAALAMAN:
a- Lahat ng mga ari-arian na inilaan sa negosyo ay pagsama-samahin at ilabas ng isang beses lamang ang Zakat.
b-Hindi kabilang sa kukuhanan ng Zakat ang pansariling gamit katulad ng bahay, sasakyan o mga koleksyon na ginagamit maliban sa ginto.
c- Ang bahay na tinitirahan gaano man karami ito, ang mga sasakyan, paupahang gamit, damit at iba pang kagamitan na ginagamit sa pansarili ay hindi kabilang sa kukuhanan ng Zakat.
d- Ang papatawan ng Zakat ay ang kita mula sa paupahan o kita mula sa anumang kabuhayan.
e-Ang basehan na kalendaryo sa pagbigay ng Zakat ay Hijra Calendar (Islamikong kalendaryo)
f-Ipinag-utos sa tagapangalaga ng negosyo ang pagbigay ng Zakat mula sa kayanaman ng wala sa tamang edad at wala sa tamang pag-iisip
g-Kapag ang kayamanan ay hindi pa ganap ang pag-aari nito, hindi obligado sa kanya na kuhanan ito ng Zakat katulad ng mamanahin na hindi pa niya hawak!
✍️ Zulameen Sarento Puti