
27/09/2025
๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ | Quadrant 1, umarangkada, tuluyang nagwagi sa larong Volleyball
โ
Winalis ng Quadrant 1 ang malalakas na katunggali mula sa Quadrant 4 sa mainit na bakbakan ng Volleyball. Ang laro ay ginanap sa Sta. Maria Central School nitong ika-27 ng Setyembre, bilang bahagi ng Teachers' Month celebration.
โ
Sa unang laro, wagi ang Quadrant 4 matapos nilang bugbugin ang koponan sa una, ikatlo , at ikalimang set sa iskor na 25-23, 25-8, at 15-4. Samantala, ang Quadrant 1 naman ang nagwagi sa ikalawa at ikaapat na set, 25-16 at 25-13 na puntos.
โ
Gayunpaman, hindi nagpatinag ang Quadrant 1, sa halip, ipinakita nila ang kanilang galing at determinasyon sa pagpitas ng puntos at pagdurog sa kalaban.
Tuluyang nanalo ang Quadrant 1 sa pamamagitan ng 3-1 set victory, matapos nilang masungkit ang una, ikalawa, at ikaapat na set sa ikalawang laro sa iskor na 25-17, 25-8, at 25-19. Ang Quadrant 4 naman ay nagawang makakuha ng puntos sa ikatlong set lamang sa iskor na 25-17, dahilan upang tuluyan ng tangghaling kampeon ang Quadrant 1 sa larong ito.
โ
โAng Quadrant 1 ay binubuo ng distrito ng Vitali, Curuan at Manicahan. Kabilang sina Heyzel Belarmino, Mery Joy Quimson, Daisy Jane Abelido, Merry Chris Contorno, Jumile Banaan at Michelle Ann Pongcol ng Distrito ng Curuan.
Mula naman sa Distrito ng Vitali sina Anette Amor Bazan, Beverly Desaca, Rosalie Gandel at Rachelle Ann Carpio. Habang sina Flora May Jaldon, Benie Rose Salazar, Clarinda Gamboa, Maria Edlen Alonzo, at Joel Alegado ang pambato ng Distrito ng Manicahan.
โ
โSa huli, taas-noong inuwi ng Quadrant 1 ang kampeonato. Pinatunayan nila ang kanilang lakas at diskarte matapos walisin ang kanilang mga kalaban, na nagresulta sa pag-angat ng kanilang team.
โ
โ๏ธ Alccy John Alviar
๐ธ Demicris Delos Reyes, Emjei Marcos