03/10/2024
My stand on this issue is magkaiba po ang ugali ng kanilang mga magulang. Magkaiba rin po ang rason kaya hindi sila pwedeng ikumpara.
Naiintindihan ko ang ginawa ni Caloy, nag set lang siya ng boundaries sa pamilya niya dahil nasaktan na nga nila ang isa't-isa. Hindi ito nangangahulugan na hindi niya mahal ang kanyang pamilya.
Actually sa ginawa niyang paglayo o pagputol ng kanilang komunikasyon ay nangangahulugan lang ito na mahal niya ang kanyang pamilya. Alam mo kung bakit? Dahil ayaw na niyang mas lumala pa ang kanilang hindi pagkakaunawaan. Parang apoy🔥 sa panggatong lang yan, kung ayaw mong lumiyab huwag mong pagsasama-samahin ang panggatong😁.Dahil mas masasaktan pa nila lalo ang isa't-isa if they're still together or communicating each other.
Ang pag set ng boundaries ay hindi lang ang sarili mo ang naka benefit nito. Hindi lang ito para sa sarili mo para rin ito sa taong involved upang hindi mo na masaktan pa ng paulit-ulit ang taong involved which is ang pamilya mo at ang sarili mo.
In addition, hindi rin ito nangangahulugan na kakalimutan mo na sila. Mostly ginagawa ito upang humupa lamang ang tensyon ng bawat isa hanggang unti-unting maging okay na ang lahat at magkakapatawaran pagdating ng panahon. Take note ang pagpapatawad ay hindi agaran, it takes time. Kung nagawa mo siya ng agaran, that's not genuine.
Kaya bigyan niyo ng panahon si Caloy hanggang humupa na ang tampo nila sa isa't-isa at magkakapatawaran na. Alam ko base sa nakikita ko mabait na bata si Caloy hindi nga siya masyadong nagsasalita tungkol sa kanyang pamilya e.
In the long run, alam kong pupuntahan din niya ang pamilya niya pag maging okay na ang lahat. Sana magsitigil narin ang kanyang pamilya sa kaka post ng kung ano ano tungkol sa kanya para maging okay na ang lahat.
Ipag pray natin na magkakapatawaran na sila sa madaling panahon.
God bless us all.
Ctto 📷