
20/09/2024
Ang Tulay ng Kaunlaran
"Ang araw ay sumisimbulo ng maliwanag na pag-unlad at kasaganaan. Ang puting kalapati ay ang kapayapaan at pagkakaisa ng bawat tao tungo sa iisang layunin ng pag-unlad. Ang simbahan ang gabay ng bawat isa upang maging matatag ang pundasyon para sa pagtutulungan.
Sa gitna ng likhang sining makikita ang mapa ng Calabarzon, sa paligid nito ang iba’t ibang simbolo na naglalarawan ng kasaganaan at pagkakaisa, nagpapahiwatig ng maayos at maunlad na pamumuhay. Ang puno ay simbolo ng kalikasan na mahalaga sa patuloy na pag-unlad ng agrikultura. Ang kalabaw, traktora , magsasaka at mangingisda ang pangunahing gumaganap para sa pag-aani ng prutas, gulay, palay, mais, isda, butil ng kape at iba, ito ay nagpapahiwatig ng kasaganaan ng ating mga produkto. Ang pera ang sumisimbulo ng yaman na nasa ating kalikasan. Ang tulay ay isang matibay at kongkretong daanan papunta sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
Sa kabuoan, ito ay nangangahulugan ng yaman o masaganang kinabukasan dahil sa iba’t ibang produkto na naikakalakal sa iba’t ibang dako ng ating komunidad at nasisilbing malaking kontribusyon sa ekonomiya.
"