02/08/2025
MAYOR CELSO IN ACTION
TINGNAN | Gumagawa na ng hakbang ang Pamahalaang Lungsod ng Zamboanga upang maresolba ang problema sa pagkaantala ng sahod ng mga casual at job order employees.
Pinangunahan ni Celso Lobregat, Chief of Staff at Secretary to the Mayor, ang pagpupulong kasama ang mga pangunahing opisyal mula sa City Budget Office, Accounting, Treasury, Human Resource, at iba pang kaugnay na tanggapan noong Biyernes ng umaga, Agosto __, sa City Administrator’s Office.
Ang pulong ay isinagawa sa utos ni Mayor Khymer Adan Olaso upang agad tugunan ang mga reklamo at matiyak na maibibigay sa tamang oras ang sahod ng mga empleyado.
Inatasan ni Lobregat ang lahat ng sangkot na opisina na ayusin ang mga proseso at pagbutihin ang koordinasyon upang mapabilis ang paglalabas ng sahod. Target ng lungsod na maresolba ang isyu bago matapos ang unang linggo ng Agosto.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina City Accountant Jo Ann Mae Hamili, City Budget Officer Geraldine de la Paz, City Treasurer Romelita Candido, HRMO Marynid Tingcang at Roberto Talaboc Jr., Computer Division Chief Alan Aizon, Assistant City Planning and Development Coordinator Jessie Lapinid, at Executive Assistant Roderico Jose Lucero.
via Bernadeth Lazaro | Larawan mula kay Roselyn Bunot | City Government of Zamboanga
I-FOLLOW ang Mindanao NI para sa mga maiinit na balita, usaping pulitika, at pangyayari sa buong rehiyon ng Mindanao.