03/04/2026
(2/2)
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐| ๐๐๐ ๐ญ๐ซ๐๐๐ค ๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐จ๐ง ๐๐๐ฅ๐จ๐ง ๐๐๐ , ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐ข๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐ค๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ๐๐ง
Hinubog ng kasanayan, disiplina, at aktuwal na karanasan, ipinagdiriwang ng Talon-Talon National High School (TTNHS) ang pagtatapos ng mga mag-aaral mula sa Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track sa ilalim ng temang โ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐: ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐บ๐๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ผ.โ
Sa bawat oras na ginugol sa pagsasanay, workshop, at praktikal na gawain, nahubog ang kanilang kakayahan upang maging handa sa mundo ng trabaho at iba pang oportunidad. Hindi naging madali ang kanilang paglalakbay, subalit sa pamamagitan ng tiyaga at determinasyon, kanilang napatunayan na ang tagumpay ay bunga ng pagsisikap at dedikasyon sa napiling larangan.
Nagbigay ng inspirasyon sa seremonya ang panauhing pandangal na si Atty. Arnold L. Gaddi, Associate Professor III ng Western Mindanao State University, nang ipabatid niya: โ๐๐ถ๐ด๐ต๐ฐ ๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฑ๐ข๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช; ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ฆ๐ญ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฃ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ.โ Ang paalalang ito ay nagsilbing gabay sa mga magtatapos upang patuloy na maging responsable at makabuluhang mamamayan.
Kasabay nito, ibinahagi rin ni Nadzremy K. Jaji, ang mag-aaral na nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa TVL track, ang kanyang paalaala sa mga kapuwa magtatapos, โ๐๐ด ๐ธ๐ฆ ๐ด๐ต๐ฆ๐ฑ ๐ช๐ฏ๐ต๐ฐ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฏ๐ฆ๐น๐ต ๐ฑ๐ฉ๐ข๐ด๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐ฐ๐ถ๐ณ ๐ญ๐ช๐ท๐ฆ๐ด, ๐ญ๐ฆ๐ต ๐ถ๐ด ๐ณ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฃ๐ฆ๐ณ ๐ต๐ฉ๐ข๐ต ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ฆ๐ต๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฆ ๐ค๐ข๐ฏ ๐ฃ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐ถ๐ด ๐ด๐ถ๐ค๐ค๐ฆ๐ด๐ด, ๐ฃ๐ถ๐ต ๐ช๐ต ๐ช๐ด ๐ฐ๐ถ๐ณ ๐ค๐ฉ๐ข๐ณ๐ข๐ค๐ต๐ฆ๐ณ ๐ต๐ฉ๐ข๐ต ๐ธ๐ช๐ญ๐ญ ๐ฅ๐ฆ๐ง๐ช๐ฏ๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ญ๐ฆ๐จ๐ข๐ค๐บ ๐ธ๐ฆ ๐ญ๐ฆ๐ข๐ท๐ฆ ๐ฃ๐ฆ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ,โ ani niya, na nagpaalala sa lahat na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa galing o kakayahan, kung hindi sa tamang asal at karakter na magtatakda ng tunay na pamana sa ating buhay.
Sa pagtatapos ng seremonya, ramdam ang kasiyahan at inspirasyon sa bawat mag-aaral. Ipinakita nila hindi lamang ang kahusayan sa kanilang napiling larangan, kung hindi pati na rin ang tibay ng loob, disiplina, at tamang asal na maghahanda sa kanila upang maging responsableng mamamayan. Ang liwanag ng kakayahan na kanilang ipinamalas ay patunay na sa bawat tiyaga at dedikasyon, ang tunay na tagumpay ay nakikita hindi lamang sa galing, kung hindi sa karakter at puso ng isang Pilipino.
Isinulat ni: ๐ ๐ฎ๐ต๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ
Larawang kuha nina: ๐๐ผ๐๐ถ๐ฒ ๐๐ผ๐ฟ๐ฒ๐๐ผ, ๐ฆ๐ถ๐๐๐ถ-๐๐ฎ๐๐บ๐ฎ ๐๐ฒ๐น๐น๐ฒ๐ป๐ด, ๐ฎ๐ ๐๐น๐๐๐ฒ๐๐ต๐ฎ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ