Radyo Pilipinas Zamboanga

Radyo Pilipinas Zamboanga Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Presidential Broadcast Service.

This is the official page of DXMR Radyo Pilipinas Zamboanga. You can post your comments, suggestions and public service announcements, greetings and belike.

15/07/2025

| July 16, 2025

Kasama si Alan Allanigue.

15/07/2025
15/07/2025

| July 16, 2025

Kasama si Lorenz Tanjoco.

15/07/2025

PANOORIN | Patuloy na isinusulong ng Gender and Development Services ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng mga inilunsad na aktibidad katuwang ang iba't ibang sektor sa Zamboanga City.

Inihayag ni City GAD Officer Wilfredo Aporongao na kanilang inimbitahan ang mga kawani ng media sa lungsod sa isinagawang pagsasanay para mapaunlad ang pag-uulat ng mga ito at para itaguyod ang gender and development na mga adbokasiya.

Inaasahan din aniya na magsasagawa ang naturang tanggapan ng Safe Spaces Caravan hinggil sa Bawal Bastos Law at patungkol sa Comprehensive Anti-Discrimination Ordinance para maitaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa nasabing batas.

Aniya saklaw nito ang lahat ng sektor at tina-target nilang ma-deputize ang mga traffic enforcer sa lungsod para magsilbing anti-sexual harassment enforcer lalo na sa mga pampublikong lugar.

Samantala, magsasagawa rin aniya sila ng mga aktibidad para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan hinggil sa gender and development, seminar katuwang ang mga opisyal at staff ng Sangguniang Panlungsod, PRIDE Congress, at pagsasanay patungkol sa GAD para sa 98 barangay officials ng lungsod.

INDIGENOUS PEOPLES COMMUNITY NG LISON VALLEY SA PAGADIAN CITY, NAKATANGGAP NG HEALTH KITS MULA SA MINDANAO DEVELOPMENT A...
15/07/2025

INDIGENOUS PEOPLES COMMUNITY NG LISON VALLEY SA PAGADIAN CITY, NAKATANGGAP NG HEALTH KITS MULA SA MINDANAO DEVELOPMENT AUTHORITY - WESTERN MINDANAO

Nagpaabot ng suporta ang Mindanao Development Authority - Western Mindanao Area Management Office sa Indigenous Peoples (IPs) ng Lison Valley sa lungsod Pagadian sa probinsya ng Zamboanga del Sur.

Nakatanggap ng health kits na naglalaman ng mga medisina, sabon, toothpaste at iba pang mga kagamitang panlinis ang nasabing IP community sa isinagawang distribusyon ng mga kawani ng naturang tanggapan.

Isinagawa ito sa ilalim ng Strengthening Indigenous Peoples (STIP) Across Mindanao Project na naglalayong bumuo ng mas malusog, mas matatag, at mas matibay na IP communities sa bahaging Mindanao.

Inuugnay rin sa pamamagitan ng inilunsad na aktibidad ang mga pagsisikap ng pamahalaan at ang mga pangangailangan ng komunidad.

Patuloy na nagsusumikap ang MinDA Western Mindanao para tiyakin na walang mga bulnerableng sektor ang napag-iiwanan ng pamahalaan.///

(📷 MinDA Western Mindanao)

15/07/2025

| July 15, 2025

Kasama sina Nords Maguindanao at Princess Habiba Sarip-Paudac

MARCOS ADMINISTRATION, NAKATUTOK SA PAGPAPATATAG NG SUPPLY NG ENERHIYA SA PILIPINAS Tuloy - tuloy na ang Malampaya Phase...
15/07/2025

MARCOS ADMINISTRATION, NAKATUTOK SA PAGPAPATATAG NG SUPPLY NG ENERHIYA SA PILIPINAS

Tuloy - tuloy na ang Malampaya Phase IV Drilling Project sa ilalim ng Marcos Administration.

Ayon kay Communications Usec. Claire Castro alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin ang supply ng kuryente sa buong bansa. | ulat ni Racquel Bayan

📸 PNA



15/07/2025

| Kasama si Rey Sampang

Pagkilala na natanggap ng Pilipinas bilang isa sa mga nanguna sa 2025 Investor Relations and Debt Tranparency Report maituturing na bahagi ng matagalang reporma ng ating pamahalaan pagdating sa pagiging transparent ay nakikitang nagbubunga na sa ngayon ayon kay Dr. Michael Batu isang Fil-Canadian Economist.



Address

Zamboanga Sibugay

Telephone

+639178210851

Website

https://radyopilipinas.ph/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Pilipinas Zamboanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Pilipinas Zamboanga:

Share