24/06/2025
š¤£
VIRAL NGAYON: Content Creator NagpaĀluto ng 100 Burgers Dahil sa āMasungitā na Tindera ā Netizens Hati, Pagod nga lang ba si Ate?
Nag-trending sa social media ang content creator na si Carl Quion matapos niyang bumili ng 100 pirasong burger sa isang sikat na burger stand. Ginawa raw niya ito matapos siyang "masungitan" ng tindera nang tanungin niya kung gaano katagal matatapos ang ginagawa nitong inventory.
Kuwento ni Carl, tinanong niya nang maayos kung ilang minuto pa bago siya maasikaso, ngunit sinagot siya ng may pag-irap at sigaw ng: "Mga 30!!!" Nang nagpaĀluto siya ng 10 burger, muling sinagot ng may inis na tono: "Sampu lang?" Kaya sa inis, ginawa niyang 100 ang order ā dahilan upang hindi na makapagserbisyo ang tindera sa ibang customer.
Ipinamigay raw ni Carl ang sobrang burger sa mga tao sa paligid. Ngunit hindi lahat ay natuwa.
Umani ito ng halo-halong reaksyon online. May mga nagsabing leksyon ito sa masusungit na staff, habang marami rin ang nagtanggol sa tindera, na maaaring pagod na at mag-isang nagtatrabaho sa stall.
āBaka naman pagod lang si Ate? Baka wala pa siyang pahinga,ā komento ng isang netizen. āHindi porkeāt content creator ka, eh puwede ka nang mang-power trip,ā dagdag pa ng isa.
Sa kabila ng viral na eksena, muling nabuksan ang diskusyon: Hangganan ng customerās rights, respeto sa frontliners, at ang responsibilidad ng mga content creator.