01/09/2025
Sa edad na 30-40 magsisimula na ang mid-life crisis mo, di mo na alam kung saan ba talaga papunta ang buhay mo, mga pangarap mo kung maabot mo pa kaya, Wala Ka naring kaibigan na dati ay sandamkamak, ang focus mo nlang pamilya mo at pang araw-araw niyong pagkain. Masaya Ka na rin na umiinom nlng magisa kesa makiupo at sumama sa mga tambay. Lagi Ka ring stress, anxious, sa mga bagay-bagay tungkol sa buhay. Di mo rin alam kung tama ba ang pinili mong trabaho, pinili mong karera, pinili mong Lugar kung nasaan Ka Ngayon, Basta mahalaga iniisip mo palagi para sa pamilya.
Sabi nga ang buhay ng tao Dito sa Mundo, Hindi paramihan ng Pera, pagandahan ng trabaho, palakihan ng sweldo, magagandang Lugar ang napupuntahan, NASA abroad man o Wala. Ang nadiskubre ko lang aY maging MASAYA KA KASAMA ANG PAMILYA MO, MAKITA ANG MGA ANAK MONG LUMALAKI AT CLOSE NA CLOSE SAYO, mga anak mong nahahalikan Ka nayayakap Ka at nkikita mong LUMALAKI Silang mahal na mahal Ka.
Mahalaga ang may Diyos sa buhay, dapat Kilala mo Siya, paano mo makikilala ang Diyos? Sapat ba na Kilala mo lng Siya Kasi sikat Siya pero di mo binabasa at pinapakinggan ang mga Salita Niya? Si Jesus ang kanyang kaisa-isang anak na binigay sa atin bumaba Mula sa Langit iniwan ang kanyang trono Kasama ang Diyos Ama, para lang iligtas Tayo at matubos or mabayaran ang mga kasalanan natin na simula pa Kay Adan. Pag alam mo ito at tinanggap mo si Jesus bilang tagapagligtas at hayaan na Siya ang kumilos sa buhay mo, maniwala Ka may magyayaring himala sa lahat ng pangarap mo, sa Plano mo sa buhay.
Kaya huwag mag alala, huwag mabalisa, dahil mayroon Tayong Diyos na NASA Langit laging nakatingin sa atin gising Siya 24 Oras 7 days a week naghihintay lang sa atin na kausapin natin Siya. God bless sa mga malapit ng mag 40!