14/08/2024
Napansin mo ba kapag may reunion ang pamilya? Karaniwan nilang tinatanong, "Nakapagtapos ka na ba? Ano ang natapos mo? Ano ang trabaho mo ngayon? Magkano ang sweldo mo?" Alam mo ba kung bakit iyon ang madalas nilang itanong? Kasi doon nila binabase kung gaano kalaki ang respeto na ibibigay nila sa'yo. Kapag nalaman nila na edukado ka, lalo na kung maganda ang posisyon mo sa lipunan o kompanya, tatratuhin ka pa nilang parang Hari o Reyna. Pero kapag nalaman nilang simple lang ang trabaho mo, mapapansin ka lang siguro nila kapag nagkataon. Minsan, uutusan ka pa nilang maghugas ng pinggan o bumili ng yelo. Masakit man isipin, pero ito ang madalas na nangyayari ngayon.
Hindi naman lahat ganito, pero ito ang realidad ng ating lipunan. Kaya magsikap ka para maiangat mo ang pamilya mo mula sa kahirapan.
# al nasser