
13/07/2025
Isang taon na pala.
Hindi ko alam noon na meron na pala ako. Akala ko normal lang yung pagod, yung lungkot, yung bigat. Hanggang sa hindi ko na talaga kinaya,and last year, I finally took the courage to see a psychiatrist.
That’s when I was diagnosed with depression and anxiety.
Sobrang hirap sa simula, yung tipong kahit sabihin man lang sa isang tao napaka hirap, ang bigat. I was scared, nahiya, at parang may kasamang guilt. Kasi let’s be honest mental health stigma is real. Lalo na sa mga katulad kong sanay na “kaya ko to.”
Since then, I’ve been on medication and attending regular therapy with a psychologist.
To be honest? Hindi siya madali. May araw pa rin na mabigat. Pero may mga araw na magaan na. And that’s something.
Yes, I gained weight. (umabot kasi sa point na tinaasan yung dose ng meds ko) Pero alam mo kung anong mas mabigat kesa sa timbang? Yung mental load na dala ko noon at dahan-dahan, gumagaan na siya.
This post is for anyone na tahimik lang na lumalaban.
Maybe this is your sign, okay lang humingi ng tulong. Hindi ka pabigat. Hindi ka nag-iisa.
One year on meds. Still in therapy. Still breathing.
And still fighting softly, slowly, but surely.
And to the people who stood by me my family, friends, my love, and everyone who offered kindness when I needed it the most, maraming salamat. Hindi ko man nasabi isa-isa, pero bawat message, yakap, o simpleng kamusta ka? sobrang laking tulong.
Salamat sa inyo na hindi ako hinusgahan. Sa mga nakaintindi kahit hindi ko kayang magpaliwanag. Sa mga umalalay sa mga panahong ang dilim-dilim ng mundo ko I see you, I feel you, and I’m forever grateful.
Kaya sana, let’s all try to be kind. Hindi natin alam yung tahimik na laban ng bawat isa. Minsan, yung ngiti ng tao ay may tinatago palang bigat. A little kindness can go a long way.
Kung ikaw ‘yung taong tulad ko noon, this is your gentle reminder, healing is possible. And you’re not alone.