02/03/2026
https://www.facebook.com/share/1GFHjGCLsp/?mibextid=wwXIfr
SA GITNA NG MGA BALITA NG BOMBAHAN MALAPIT SAMIN, ISANG MESSAGE LANG ANG NATANGGAP KO MULA SA PAMILYA KO…
Pa-anon na lang po.
Hindi po ako humihingi ng advice. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Sana may makabasa nito at marealize na kaming mga breadwinner, hindi ATM.
Nasa Middle East ako ngayon. OFW. Breadwinner ng pamilya.
Simula nung lumala ang tensyon sa Iran at Israel/US recently hindi ako mapakali. May mga siren. May mga balita ng airstrike sa kalapit na area. Kahit hindi eksaktong sa city ko, ramdam mo yung takot. Dinig kasi samin yung sabog.
Hindi ko ma-explain yung pakiramdam na malayo ka sa pamilya mo tapos may posibilidad na mag-escalate pa ang gulo.
Hindi ako makaalis basta-basta. Hindi ganun kadali mag-book ng flight. May kontrata ako. May visa issues. May employer.
Pero ang mas masakit?
Ni isang “anak okay ka ba?” wala.
Ang unang message na natanggap ko galing sa pamilya ko ay, “Kelan ka magpapadala? Due na yung kuryente at tuition.”
Hindi ko alam kung iiyak ba ako o magagalit.
Sa gitna ng balitang may missile strikes, ang iniisip nila kung kailan papasok ang remittance.
Hindi ko naman sila sinisisi na may pangangailangan. Alam kong umaasa sila sakin. Ako nagbabayad ng tuition ng kapatid ko. Ako sa maintenance ng tatay ko. Ako sa grocery. Ako sa renta.
Pero sana man lang may kumusta.
Sana man lang may, “Ingat ka dyan.”
Sana man lang may, “Kung hindi safe, umuwi ka na.”
Imbes, ang tanong agad, “Magkano mapapadala mo?”
Minsan gusto ko sabihin na hindi ako nagtatae ng pera. Na hindi porket nasa abroad ako, unlimited ang kaya kong ibigay.
May takot din ako. May anxiety din ako. May gabi na hindi ako makatulog dahil sa balita.
Pero pag kausap ko sila, kailangan strong ako. Kailangan ako yung nagbibigay ng assurance.
Walang space para sa takot ko.
Walang space para sa pagod ko.
Minsan naiisip ko, kung may mangyari sakin dito, maalala kaya nila na mag-alala din sakin? O maalala lang nila na may monthly remittance silang mawawala?
Hindi ko naman balak tumigil magpadala. Hindi ko kayang pabayaan sila.
Pero sana lang, sa dami ng hinihingi sakin, may isang tao man lang na magtanong kung okay pa ba ako.
Sa mga pamilya ng OFW na makakabasa nito, sana tandaan niyo na may puso din kami. Hindi lang kami source of funds.
Kaming mga breadwinner, hindi lang pera ang pinapadala namin. Buhay at oras ang kapalit nun.