28/08/2025
From Crown to Quarantine
May hari sa Judah na si Uzziah.
16 years old pa lang siya, hari na.
At hindi basta-basta — 52 years siyang naghari.
Matatalino ang plano, malalakas ang sundalo,
matitibay ang pader, at may mga war machines pa siya.
Parang unstoppable.
Pero eto ang sikreto niya sa simula:
Hinahanap niya si Lord.
At sabi sa 2 Chronicles 26:5,
“As long as he sought the Lord, God gave him success.”
Pero isang araw,
pumasok ang pride.
Pumasok siya sa templo, hindi para sumamba,
kundi para mag-incense — trabaho ng pari, hindi ng hari.
Alam niyang mali.
Pero feeling niya kaya niya kasi hari siya.
Dun siya tinamaan.
Sa harap ng lahat, biglang lumabas ang ketong sa noo niya.
Hindi tinakpan ng korona.
Hindi natago ng robe.
Hindi nailigtas ng palasyo.
Mula noon, nag-iba lahat:
Na-quarantine siya, malayo sa lahat.
Hindi na nakapasok sa templo.
Anak na niya ang namahala sa bayan.
Naiwan siya sa bahay, mag-isa at tahimik.
At nung namatay siya,
hindi siya inilibing sa libingan ng mga hari.
Sa isang field lang, malapit.
At eto lang ang sinabi ng mga tao:
“He is a leper.” (v.23)
Grabe no?
52 years ng tagumpay,
natabunan ng isang sandali ng kayabangan.
Parang sinasabi ng kwento niya:
Pwede kang magtagumpay, pwede kang mag-build,
pwede kang magningning…
pero kapag nawala ang humility,
pwede ring mawala lahat.
“God opposes the proud but gives grace to the humble.” (James 4:6)
STAY CONNECTED 🕊️
Report : Pastora Vicky