11/06/2026
The Bucharest Favorite: My Private Chef Chicken Burrito Wrap! 🌯✨
Wow! Maraming salamat sa 8,000+ views sa video ko kahapon! 🙏🏽 Dahil marami sa inyo ang nagre-request ng recipe ng ginawa kong Chicken Burrito na paboritong-paborito ng dati kong amo noong private chef pa ako sa Bucharest, Romania—narito na ang kumpletong sangkap at tamang paraan ng pagluluto! 🇷🇴❤️
MGA SANGKAP / INGREDIENTS:
✅️Chicken Breast (Hiwain ng pahaba, katamtaman ang nipis)
✅️Onion / Sibuyas (Maraming red o white onion, hiwang pahaba)
Bell Pepper (Mixed colors, hindi maanghang, hiwang pahaba)
✅️Oil (Para sa paggisa)
Pampalasa: Asin, Black Pepper, Garlic Powder, Knorr Cubes, Turmeric (luyang dilaw), at Paprika.
✅️Cooking Cream / All-Purpose Cream (Para sa malapot at creamy na sauce)
Cheese (Parmesan, Cheddar, o kahit anong cheese na meron ka)
✅️Tortilla Wrap (Mayroong brown o white, pwedeng regular o low-carb)
Extra Sauces (Optional): Ketchup, Mayonnaise, o Burger Sauce.
✅️Pambalot: Foil o Paper wrapping.
💡 STEP-BY-STEP PRIVATE CHEF METHOD:
1. Iprito ang Manok: Sa mainit na kawali na may konting oil, unahing iprito ang chicken breast. Hindi kailangang sobrang prito, basta maluto-luto siya.
2. Isunod ang Sibuyas: Kapag half-cooked na ang manok, ilagay ang maraming hiwang sibuyas.
3. Ilagay ang Pampalasa: Isunod agad ang mga pampalasa—asin, black pepper, garlic powder, Knorr cubes, turmeric, at paprika. Haluin nang mabuti.
4. Isama ang Bell Pepper: Kapag halo-halo na at alam mong luto na ang manok, ilagay ang bell pepper (para hindi ma-overcook at manatiling maganda ang kulay). Halu-haluin ulit!
5. Gawing Creamy ang Sauce: Ibuhos ang Cooking Cream. PRO TIP: Ginagamitan natin ito ng creamy sauce para hindi maging dry ang manok at manatiling napakalasa ng ating niluluto! Haluin hanggang sa maging malapot.
6. Ibudbod ang Cheese: Bago patayin ang apoy, ilagay ang unang batch ng cheese sa ibabaw ng manok. Patayin ang apoy at palamigin nang konti sa kawali.
7. Pagbabalot (Assembly): Kumuha ng Tortilla Wrap (white o brown). Ilagay ang chicken filling nang pahaba (sakto lang ang dami). Budburan ulit ng cheese sa ibabaw para sa extra linamnam!
8. Add Your Sauce: Kung gusto mo ng extra sipa, lagyan ng ketchup, mayonnaise, o burger sauce depende sa iyong panlasa.
9. I-wrap at Ihanda: I-roll nang maayos ang tortilla at balutin gamit ang foil o paper wrapping. At ayan, tapos na! Ganun lang kadali! 🎉
Save mo na ang post na 'to at subukan mo na ring magluto ng ulam na pang-International Private Chef! 🧑🍳🌯