01/02/2024
SHORT STORY
One of my supporters requested that I post his short story about their school
Hi I'm not smart student mahiyain nasa akin na ata lahat nang ayaw sakin nang iba kala ko nga lahat nang classmates ko ayaw sakin feel ko kasi ayaw nila sakin pero di pala nagbago yun noong 01-31-2024 sobrang diko to malilimutan umaga nun pumasok ako sa school yung bag ko nilagay ko sa room syaka pumila ako hawak ko nun yung wallet ko flag ceremony nun pero pagkatapos nun ay isang saglit pumasok na kami pagkatapos nang flag ceremony pero kinapa ko yung bulsa nang palda ko pag kapa ko wala na yung wallet kong May pera na pinapamasahe ko sa araw araw tinipid ko yun kasi pamasahe ko kahit wala akong pambaon na pagkain mahalaga sakin makapasok hanap ako nang hanap nang nang wallet ko diko yun pinahalata sa mga classmates ko wala sa bag ko kaya lumabas ako tinignan ko sa May pilahan namin wala dun diko alam kung nasaan na kung May nakakuha ba na ibang tao swerte naman nun pero dapat iniisip nya kung kailangan ba nang May ari sana naman makonsensya yung nakakuha nung diko mahanap yung wallet ko diko alam gagawin ko kasi yun na lang pamasahe ko sa araw araw pag diko yun nakita wala akong mapasahe bumalik ako sa room na parang wala akong problema umupo ako mga classmates ko masaya sila May palaro kasi si sir namin pinaikot yung upuan para makapag laro dun ako umupo sa likod para matagpan na umiiyak ako masaya sila habang ako umiiyak nun kasi diko alam gagawin ko kung pano o saan ko mahahanap yung wallet ko ilang minuto ako iyak nang iyak habang sila masaya hanggang diko na kinaya kaya nag chat ako sa gc nang hihingi ako nang tulong kung sakaling May nakita silang wallet sinabi ko yun kung anong kulay sabi ko nun nawawala pamasahe ko yun tuwing May pasok nag dadalawang isip akong i-send yun sa gc nangangamba ako ewan ba pero pumikit ako nun at sinend ko na tas May isang classmate ko agad na nabasa yun at sinabi nang isa kong classmate agad na pinaalam kay sir at nabasa yun ni sir agad n pinuntahan ako nun ni sir sa kinauupuan ko nakikita nila na umiiyak ako sinabi ko na nawawala yung pera tinanong ni sir kung saan ko nilagay sabi ko nasa bulsa yun sabi ni sir posible na nahulog yun dito o sa pilahan sa labas balisa ako nun diko alam gagawin ko kaya binigyan ako ni sir nang stick O lahat kami meron nun kasi pumasok kami nun tapos agad na inactionan ni sir pinatayo ako ni sir sabi kung meron ako pinang hihinalaan na kumuha sa room namin pero alam ko na yung iba ayaw sakin feel ko wala akong idea na May kumuha kasi mababait naman sila pero sinabi ni sir na halughugin ko lahat nang bag nila at kahit bulsa nang suot nang mga classmates ko ginagawa ko yun makasigurado lang umiiyak ako nun habang hinahalughog yung mga bag nila pero wala wala akong nakita iyak ako nang iyak nawalan na ako nang pag asa uupo na sana ako pero May good news daw Pinag usapan nila sir at mga classmates ko na yung pinanalunan sa laro ayy itutulong nalang sakin na pera na bukal sa puso naiyak ako nun kasi ang babait pala tinulungan pa nila ako kala ko talaga ayaw nila sakin pero lahat sila naawa sa akin binigay nila at nag-ambagan pa yung iba at binigay sakin May lumapit sakin na secretary namin na classmate ko binigay yung pera umiyak ako nang umiyak dahil kasalanan ko dahil nahulog nag sorry pero sabi okay lang nandito kami para tumulong okay lang wag Kana umiyak dinamayan ako at hanggang tumigil na ako sa pag iyak at masaya ko hanggang paguwi yun yung first memories na school na naranasan kokaya super thankful ako dahil naging classmates ko sila at si sir napakabait habang sinusulat ko to masaya parin ako salamat po sana ma-post mopo ito na Tanya lagi po akong nagbabasa nang story mo nakakalibang salamat po!
Posted By : Tanya Lyn Writer's