Basāir

Basāir SABR

10/08/2024
23/05/2024

Islâm at Siyensiya

Ano ang masamang epekto ng paninigarilyo at bakit ito ipinagbawal (HARAM)?

Ang usok na galing sa tabako ay lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao. Sinasabing lahat ng uri ng paninigarilyo ay nakamamatay. Ang paggamit ng kung anu-anong mga kasangkapan sa paninigarilyo ay hindi makapagpapabawas sa pinsalang dala nito sa kalusugan ng tao.

Ang sigarilyo ay nagtataglay ng 600 sangkap. Kapag ito ay nasunog, ito ay nagpapalabas ng mahigit pitong libong kemikal. Karamihan sa mga kemikal na ito ay lason at 69 dito ay dahilan ng pagkakaroon ng kanser! Karamihan sa mga sangkap na nasa sigarilyo ay nasa iba pang produkto rin na gawa sa tabako tulad ng nganga. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang nganga ay lubhang mas mapanganib dahil ito ay nagtataglay ng mataas na antas ng carcinogen at lason kumpara sa paninigarilyo.

Nakakatakot din ang pinsalang dala ng paninigarilyo, kahit doon sa mga hindi naman talaga humihithit ng tabacco. Ang second hand smoke ay nakamamatay din. Subalit, sinasabi ng mga dalubhasa sa larangan ng kalusugan na tatlong ulit na mas mataas ang mortality rate ng mga taong naninigarilyo kumpara sa mga hindi. Ang paninigarilyo ay isa sa pangunahing mga dahilan ng kamatayan ng mga tao.

• Ang epekto ng paninigarilyo sa utak at pakiramdam

Isa sa mga aktibong sangkap ng sigarilyo ay ang ni****ne, isang kemikal na may kakayahang baguhin ang pakiramdam ng isang tao. Kayang abutin ng ni****ne ang iyong utak sa loob lamang ng ilang segundo. Ito ay isang sangkap na nakapagpapasigla sa central nervous system ng tao, makararamdam ka ng masiglang pakiramdam sa loob ng ilang sandali. Ngunit habang papawala na ang epekto ng ni****ne sa katawan, makararanas ka ng pagkapagod at maghahanap ka pa ng maraming ni****ne. Kaya, ang ni****ne na nakukuha sa pagsisigarilyo ay nakaka-adik.

Ang paninigarilyo ay nagpapataas ng posibilidad ng pagkakaroon ng paghina ng mata, ng katarata at biglaang paglabo ng paningin. Pahihinain din nito ang kakayahan mong makalasa at makaamoy, kaya ang pagkain ay baka hindi na gaaanong maging nakaka-enjoy.

Ang ating katawan ay may cortcosterone, isang uri ng hormone na may kakayahang pahinain ang epekto ng ni****ne. Ito ay dumadami kapag tayo ay may problema. Kaya kung ikaw ay stress, mas maraming sigarilyo ang kailangan mong ubusin para maramdaman ang epekto ng nikotina.

Ang paghinto ng paninigarilyo ay maaaring magpahina sa iyong kakayahang mag-isip. Ito rin ay maaaring maging dahilan ng pagkabahala, pagkairita at depresyon. Ang withdrawal syndrome o ang sintomas na kaakibat ng paghinto sa paninigarilyo ay maaaring magdala ng mga serye ng pananakit ng ulo at problema sa pagtulog.

• Epekto ng paninigarilyo sa baga

Kapag nakalanghap ka ng usok galing sa sigarilyo, ikaw ay nagpapapasok ng mga sangkap na pwedeng makasira sa baga mo. Sa pagdaan ng ilang panahon, ang iyong baga ay malamang na mawalan ng kakayahan na salain ang ganitong uri ng mapaminsalang mga kemikal. Ang pag-ubo ay hindi gaanong makapag-aalis sa mga lason na naipon sa baga. Ang mga taong naninigarilyo ay mas malamang na tamaan ng mga impeksyon sa baga, sipon at trangkaso.

Ang mga bata na ang mga magulang ay naninigarilyo ay mas malamang na magkaroon ng mga karamdaman sa baga, kaysa doon sa mga bata na hindi naninigarilyo ang mga magulang. Mas mataas din ang posibilidad ng impeksyon sa tainga. Ang anak ng mga naninigarilyo ay mas madali ring magka pulmonya at bronchitis.

• Epekto ng sigarilyo sa sistemang cardiovascular

Ang paninigarilyo ay nakasisira sa lahat ng bahagi ng sistemang cardiovascular. Kapag ang ni****ne ay nakapasok sa katawan, patataasin nito bigla ang dami ng asukal sa iyong dugo (blood sugar). Pakikiputin ng ni****ne ang iyong mga ugat na daanan ng dugo, kaya malilimitahan ang sirkulasyon ng dugo sa buong katawan. Ang paninigarilyo ay nakapagpapababa rin ng dami ng good cholesterol at nakapagpapataas ng presyon, na maaaring mauwi sa stroke. Ang baradong mga ugat, o blood clot ay nakukuha rin sa paninigarilyo.

قَالَ تَعَالٰى : ‫﴿‬ وَيُحِلُّ لَهُمُ الطَّيِّبَاتِ وَيُحَرِّمُ عَلَيْهِمُ الْخَبَائِثَ ‫﴾‬ سورة الأعراف ، رقم الآية ١٥٧

Sabi ng Allâh: ‫﴾‬ At pinahihintulutan sa kanila ang mga TAYYIBĀT (lahat ng mabuti at malinis) tungkol sa mga bagay, mga gawa, mga paniniwala, MGA PAGKAIN. at ipinagbawal sa kanila ang mga KHABÂITH (ang lahat ng mga masama, marumi at ipinagbabawal. ‫﴿‬ Qur’an 7:157

قَالَ تَعَالٰى : ‫﴿‬ وَلا تُلْقُوا بِأَيْدِيكُمْ إِلَى التَّهْلُكَةِ وَأَحْسِنُوا إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ ‫﴾‬ سورة البقرة ، رقم الآية ١٩٥

Sabi ng Allâh: ‬﴾ At wag hayaan ang inyong sariling mga kamay ang maghantong sa inyong kapahamakan. ‫﴿‬ Qur’an 2:195

قَالَ تَعَالٰى : ‫﴿‬ وَلَا تَقْتُلُوا أَنْفُسَكُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ بِكُمْ رَحِيمًا ‫﴾‬ سورة النساء ، رقم الآية ٢٩

Sabi ng Allâh: ‫﴾‬ At huwag ninyong patayin ang inyong mga sarili, katotohanan ang Allâh ay nagmamahal sa inyo. ‫﴿‬ Qur’an 4:29

Ilan lamang po ito sa mga salita ng Allâh sa pagiging HARÂM o pagbabawal ng SIGARILYO, dahil sa masamang epikto nito sa mga kalusugan ng TAO at sa kanilang mga SARILI.

Mahigpit na ipinag bawal ng mahal Propeta Muhammadﷺ ang PAMIMINSALA at PANINIRA..

عَنْ أَبِي سَعِيدٍ سَعْدِ بْنِ مَالِكِ بْنِ سِنَانٍ الْخُدْرِيّ رضي الله عنه ، أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ ﷺ قَالَ : ❞ لَا ضَرَرَ وَلَا ضِرَارَ ❝ رواه ابن ماجه

Ulat mula kay Abu Sa’eed Al Khudarie (kalugdan nawa siya ng Allâh), katotohanan ang Sugo ng Allâh (ﷺ) ay nagsabi: ❝Walang pamiminsala at walang mamiminsala.❞ Ibnu Mâjah

عَنْ جَابِرٍ رضي الله عنه ، أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ ﷺ قَالَ : ❞ مَا أَسْكَرَ كَثِيرُهُ ، فَقَلِيلُهُ حَرَامٌ ❝ أَخْرَجَهُ أَحْمَدُ وَالْأَرْبَعَةُ ، وَصَحَّحَهُ ابْنُ حِبَّانَ

Ulat mula kay Jabir (kalugdan nawa siya ng Allâh), katotohanan ang Sugo ng Allâh (ﷺ) ay nagsabi: ❝Ang lahat ng bagay na nakakahilo ang marami nito, harâm (ipinagbawal) ang bahagi nito.❞ Ahmad

Ipinagbawal din ng Propeta ﷺ ang lahat ng mga bagay na nakakasira sa mga TAO at sa kanilang mga SARILI.. at lahat ng mga inuming nakakahilo ay harâm (bawal) kahit kaunti nito.

Gabayan nawa tayo ng Allâh sa tamang landas, at ipaintindi nawa Niya sa atin ang ating DEEN. Âmeen

___________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

08/04/2024

PAANO ISAGAWA ANG PAGDASAL NG EID??❗❗

👉👉 SUNDIN LAMANG ANG MGA SUMUSUNOD:

a-Kapag ang lahat ay nakatayo at handa ng isagawa ang dasal ng Eid,
Unang Isagawa ng Niyyat (hangarin).

👉Ang Niyyat ay kaalaman lamang ng puso at isipan sa nais idasal,.
- Kaya bago bigkasin ang: “Allahu Akbar” ay naisapuso at isipan na ang pagdasal ng Salatul Eid at umpisahan na agad ito sa pagsambit ng: “Allahu Akbar”.

-Wala pong binabasang USALLI dahil ito ay gawaing Bid’ah, kaya ang Niyyat ay simpli at huwag itong gawing mahirap.

b- Pagkatapos bigkasin ang: “Allahu Akbar” ay bigkasin agad ang:
“Subhanaka Allahumma wa bihamdika, Wa tabarakasmuka, Wa ta’ala jadduka, Wa la ilaha ghairuk”

c- Muli, bigkasin ang: “ALLAHU AKBAR NG ANIM O PITONG BESES”

Sa tuwing bigkasin ang: “Allahu Akbar” ay itaas ang dalawang kamay hanggang sa tapat ng balikat o ilalim ng tainga na nakabukas ang dawalang palad at nakaharap sa Qibla.

-Hinggil sa pagbasa ng Dua sa mga pagitan ng Takbeer ng:

"Subhanallahi, Walhamdulillah, wala ilaha illallah, Wallahu Akbar" Ay nasa sa iyo ang pagpipili kung bigkasin mo hindi dahil hindi naman ito obligado

d- Kapag natapos bigkasin ang Takbeer (Allahu akbar) ng anim na beses ay bigkasin ang”Auzo billahi minas shaitanir rajeem, isunod ang: "Bismillahir rahmanir raheem" at bigkasin na ang Fatiha.

e- Kapag natapos bigkasin ang Fatiha ay basahin ang Soorah Al- A’ala,

- Kung sakali hindi ito nakasaulo, maaaring bumasa ng anumang Soorah na nakasaulo o nais.

f- Sa pangalawang pagtayo (second Rakaat), bago mag-umpisa bumasa ng Fatiha ay bigkasin ang “Allahu Akbar ng limang beses”

-Pagkatapos ay simulan agad ng pagbasa ng Fatiha at basahin ang Soorah Al’gha’shiya,

-Kung sakali hindi ito nakasaulo ay maaaring bumasa ng anumang Soorah na nais.

g- Isagawa ang pagdarasal na ito na katulad ng pagdasal ng Fajr (Subuh).

h- Pagkatapos magsagawa ng SALAM (tasleem) ay wala pong natatanging Dua na binibigkas dito

👉👉 DAGDAG KAALAMAN:

-Kung idinasal ang Eid sa Dasalan ng Eid “Jamaah”, isagawa agad ang Khutbah at makinig sa Khutbah ng Imam.

-Kung sakali nakalimutan bigkasin ang karagdagang Takbeer sa unang Rakaat at pangalawang Rakaat ay hindi na obligadong ulitin ito at wala naring pagsasagawa ng Sujiod Sahwi.

-Kapag hindi inabutan ang pagbigkas ng Imam sa mga karagdagang Takbeer ay hindi na niya ito uulitin bigkasin.

✍ Zulameen Sarento Puti

04/03/2024

OBLIGADO PARIN MAG-FASTING KAHIT HINDI NAKAKAIN SA MADALING ARAW "Sahoor"❗❗❗

👉 Hindi kabilang sa kundisyon ng Fasitng (pag-aayuno) ang pagkain sa madaling araw (Sahoor).❗

Kahit hindi ka nakakain ng Sahoor ay obligado ka parin magfasting.

Kapag hindi ka mag-ayuno sa kadahilanang hindi ka nakakain ng Sahoor ay pananagutan mo ito❗❗

👉Isinalaysay ni Aisha at Um Salamah (parehong asawa ng Propeta), Katunayan ang mahal na Propeta ay inabutan ng pagsikat ng Fajr (Subuh) na hindi nakaligo ng Junoob. Muli siya ay naligo at nag-ayuno” Inulat nila Imam Albukhari at Muslim.

- Nakuhang aral mula sa Hadith, Inabutan ng pagsikat ng Fajr ang Mahal na Propeta na hindi na nakakain ng Sahoor, ngunit nag-ayuno parin siya.

DAGDAG KAALAMAN:

♦️Kung sinadyang hindi kumain ng Sahoor ang taong nag-ayuno, ang kanyang Ayuno ay tama at obligado parin siyang mag-ayuno.

♦️Alalahanin na ang pagkain ng Sahoor ay MABIYAYA

👉Sinabi ng Mahal na Propeta: "Kayo ay kumain ng Sahoor (pagkain sa madaling araw) dahil pagkain nito ay napapaloob ang biyaya" Inulat nila Imam Albukhari at Muslim.

♦️Hindi tanggap na dahilan sa harap ni Allah na ikaw ay hindi mag-ayuno dahil hindi ka nakakain sa madaling araw.

👉👉 KAINAMAN NG PAGKAIN NG SAHOOR:

a- Malakas ang pangagatawan sa panahon ng pag-aayuno

b- Nabubuhay moa ng Sunnah ng iyong mahal na Propeta

c- Maibsan ang gutom at uhaw

Pinagkuhanan sa usapin:

حديث: "تسحروا؛ فإن في السحور بركة" رواه البخاري و مسلم
روت عائشة وأم سلمة رضي الله عنهما أن النبي صلى الله عليه وسلم كان يدركه الفجر وهو جنب من أهله ، ثم يغتسل ويصوم . رواه البخاري (1926) ومسلم (1109

✍Zulameen Sarento Puti

29/01/2024

KAPAG INABUTAN NG PANGALAWANG RAMADHAN, FASTING AT KAFFARA ANG BAYAD SA HINDI NAPAG-AYUNUHAN❗❗❗

👉 Hangga't may oras pa bago dumating ang pangalawang Ramadhan ay palitan ang hindi napag-ayunuhan noong nakaraang Ramadhan,

Dahil kapag ito ay inabutan ng pangalawang Ramadhan na walang matinding kadahilanan ay kabilang ito sa isang kasalanan na nangangailangan ng Tawba (taus pusong pagbabalik-loob kay Allah) na may kalakip na pagpapalit ng ayuno at pagpapakain sa bawat araw na iyong hindi napag-yaunuhan ng isang mahirap na Muslim ayon sa pananaw ng nakakaraming mga Sahaba at mga pantas kabilang na si Shaikh Ibn Bazz at iba pa..

Ngunit ayon sa ibang pantas ay ang tanging isasagawa ay tawba at pagpapalit lamang ng ayuno!

👉 Ang hindi nakapag-ayuno hanggang sa abutan ng pangalawang Ramadhan dahil sa may matinding kadahilanan tulad ng bagong panganak, buntis, nagpapasuso o ang taong maysakit na may pag-asa pang gumaling ay kanila itong papalitan lamang ng pag-aayuno na walang kalakip na pagpapakain (kaffara).

Ang mga taong maysakit na wala ng pag-asang gumaling o ang mga taong wala ng kakayahan mag-ayuno sanhi ng katandaan o may matinding sakit na hindi kayang mag-ayuno ay kailangan lamang nilang magpakain ng isang mahirap araw-araw sa panahon ng Ramdhan.

PAALAALA: Habang may oras pa ay palitan ang hindi napag ayunuhan upang hindi madoble ang kanyang babayaran pagkalipas ng pangalawang Ramadhan

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

قال الشيخ ابن باز: "إذا أخر الإنسان الصيام عاماً أو أكثر من دون عذر فعليه التوبة إلى الله والندم والعزم أن لا يعود، وعليه القضاء وعليه الكفارة جميعاً ثلاثة أشياء: التوبة، وقضاء الأيام التي على الإنسان من رجل أو امرأة، وإطعام مسكين عن كل يوم، أما إن كان لعذر كالمرض فلا شيء عليها إلا القضاء فقط، وأما التساهل فعليه القضاء"

✍️ Zulameen Sarento Puti

29/01/2024

KAHIT QUR'AN AT HADITH PA ANG PANGHAWAKAN MO KUNG TALIWAS SA PANG-UNAWA NG SALAF AY MALILIGAW KAPARIN❗❗❗

👉 Nagbigay ng babala ang Mahal na Propeta na darating ang panahon na masasaksihan ang hindi pagkakasundo, pagkakawatak-watak at salungatan sa kanyang Ummah.

Kaya, Ang tanging nasa tamang landas ay sinuman ang panghawakan ang SUNNAH
(katuruan ng Propeta at katuruan ng mga KHULAFA (tulad nila Abu bakar, Umar, Uthman at Ali) at ang mga sumunod pa sa kanila.

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: "Kaya, panghawakan ninyo ang aking Sunnah at ang Sunnah ng mga Khulafah (mga pinunong Sahaba na pinatnubayan), Panghawakan ninyo ito sa pamamagitan ng pagkagat ng inyong mga bagang (Ang kahulugan ay mahigpit na paghahawak)." Authentic na Hadith

BAKIT ANG PANG-UNAWA NG SALAF ANG SIYANG PINAKA TAMA?

Sagot: Ang dahilan nito ay:

1- Ipinag-utos ng Propeta na sila ay sundin.

2- Sa kanila ibinaba ang Qurʾan. Kung mayroon mang hindi malinaw ay direkta nilang tinatanong sa Mahal na Propeta

3- Sa kanilang Wika ang ginamit sa orihinal na kasulatan (Quran at Hadith)

4- Sila ay higit na matakutin (malakas ang pananampalataya) at mahigpit na sumusunod sa katuruan ng Propeta.

5- Ang kanilang kaalaman sa Quran at Hadith ay dalisay (pure) ay hindi nahaluwaan ng ibang kaalaman tulad ng Pilosopiya at iba pa..

Kaya, karamihan na naligaw mula sa tamang Akeeda ay dahil pinagsama nila ang Akeeda sa Pilosopiya, hindi na nila hinayaan na kunin ang kaalaman mula sa Quran / Sunnah / Ijmah (pinagkaisahan) bagkus dagdagan nila mulaa sa kanilang sariling pang-unawa na taliwas sa yamang katuruan.

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: "فَعَلَيْكُمْ بِسُنَّتِي وَسُنَّةِ الْخُلَفَاءِ الْمَهْدِيِّينَ الرَّاشِدِينَ، تَمَسَّكُوا بِهَا، وَعَضُّوا عَلَيْهَا بِالنَّوَاجِذِ"

👉 Zulameen Sarento Puti

Address

Al Qunfudhah

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Basāir posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Basāir:

Share