10/08/2026
MAG INGAT KAYO SA KARAPATAN NG IBA⚠️
"Mag-ingat kayo sa mga karapatan ng iba. Sapagkat hindi ito napapatawad kahit sa pamamagitan ng Umrah, o sa Hajj, o sa pag-aayuno, o sa pagdarasal sa gabi, o kahit sa 1000 na pagtatapos ng pagbasa ng Qur'an. Ang tanging paraan para mapatawad ito ay sa pamamagitan ng pagsauli ng karapatan sa tunay na may-ari nito."
Ano ang mga halimbawa ng karapatan ng ibang tao?
Ito yung mga bagay na kung hindi mo aayusin dito sa mundo, sisingilin ka sa Kabilang Buhay kahit gaano kadami ang pagsambang ginawa mo.
Sa PERA at ARI-ARIAN 💰💵
Utang - Hindi binayaran
Pagnanakaw - Kinuha mo yung hindi sayo
Pandurugas / Scam - Niloko mo sa negosyo
Hindi pagbigay ng sahod - Pinagtrabaho mo pero hindi sinahuran
Pagkain ng mana - Kinuha mo yung parte ng kapatid mo
Pananamantala - Sinisingil ng sobra, hindi patas
Sa PURI at DAMDAMIN 💔💔
Paninirang-puri / Tsismis / Ghibah - Kinuwento mo yung kahinaan ng tao
Pagbubuhat ng bintang - Sinungalingan mo siya
Pagmumura / Pananakit ng salita - Pinahiya mo sa publiko
Pagbubully - Pinagtatawanan, iniinsulto
Pag-iwan / Ghosting - Nangako ka tapos iniwan mo na may nasaktang damdamin
Sa PISIKAL 🤜🤛👊
Panununtok / Pananakit - Nasaktan mo physically
Pagpatay - Pinakamalaking karapatan
Pambubugbog - Kahit sa asawa, anak, empleyado
Sa PAMILYA at RELASYON 👨👩👧👦
Hindi pagbigay ng sustento - Sa anak o magulang
Hindi pagrespeto sa magulang - Sigawan, pagsuway
Pagloloko sa asawa - Pagkakanulo sa tiwala
Pagputol ng ugnayan - Hindi kinakausap ang kapatid/magulang ng walang dahilan
Hindi pagtupad sa pangako - Nangako ka tapos binalewala
Sa TRABAHO at LIPUNAN
Hindi patas na pagtrato - Favoritism, kinampihan mo yung mali
Pagsaksi sa kasinungalingan - Tinago mo ang katotohanan sa korte
Pagkopya / Plagiarism - Kinuha mo yung gawa ng iba
Pagsira sa reputasyon sa trabaho - Para lang umangat ka
Paano ito napapatawad❓❓
Isauli kung pera/gamit ang kinuha
Humingi ng tawad mismo sa tao
Itama kung nasira mo yung pangalan niya
Kung hindi na mahanap yung tao, sabi ng mga scholar: mag-donate ka sa kawanggawa para sa kanya at damihan mo ng dua para sa kanya.
Sinabi ni propeta Muhammad s.a.w
“Sino man ang may nagawang pang-aapi sa kapatid niya sa dangal o sa anumang bagay, ay humingi na siya ng kapatawaran ngayon bago dumating ang araw na walang pera kundi mabuting gawa na lang.” - Bukhari