Islam, Ang Ating Relihiyon.

Islam, Ang Ating Relihiyon. Dawah page

22/04/2026

Sa pamamagitan ng page ng "Paanyaya tungo sa Islam" si brother ay nagabayan ng Allah.

Kung nais mo rin puma*ok sa Islam, iaassist namin kayo.

22/04/2026

Sa panahon na kung saan ang mga tao ay nagpapaligsahan na makilala sa pamamagitan ng Islam,
Piliin mong makilala ng mga tao ang Islam sa pamamagitan mo.

18/04/2026

Saan nagmula ang gawaing pagpapatuli ng mga pilipino?

17/04/2026

Diyos lang ba ng mga muslim ang Allah?

17/04/2026

balik Islam

16/04/2026

Huwag magpaka a*o
Piliin maging leon

Kapag ang away o tampuhan ng mag-asawa ay nakakalabas sa kaalaman ng iba, mapakamag anak man, kaibigan o kapitbahay, ito...
15/04/2026

Kapag ang away o tampuhan ng mag-asawa ay nakakalabas sa kaalaman ng iba, mapakamag anak man, kaibigan o kapitbahay, ito ay nagbubukas ng pintuan tungo sa mas malalang sitwasyon na madalas mahirap nang kontrolin pa.

Bakit kamo?
Sapagkat madalas ang mga taong sinasabihan natin ng mga problema lalo na sa usaping away o tampuan mag asawa ay hindi marunong tumimbang at hindi marunong maging makatarungan at agad na papanigan ka at magiging masama para sa kanila ang iyong asawa.

Ikaw naman bilang asawa, darating yung panahon na makakapag patawad ka dahil mahal mo sya at mawawala ang tampuhan at galit ninyo sa isa,t isa habang yung mga taong sinabihan mo ay mananatiling masama ang tingin sa iyong asawa.
Para sa kanila, ang asawa mo ay mananatiling "ang taong nanakit sa iyo," kahit na magkaayos na kayo.

Isa pa, Kadalasan, ang mga taong pinagkukwentuhan mo ay nagbibigay ng payo base sa kanilang sariling galit o bias.
Maaari silang magsabi ng mga linyang tulad ng,
"Iwan mo na 'yan" o "Huwag kang magpapatalo,"
imbes na makatulong sa pag-aayos ay lalo pang nagpapasidhi ng iyong pride at galit.

At kapag nalaman ito ng asawa mo na ipinagsabi mo ang inyong problema, mararamdaman niyang tinalikuran mo siya.
Maaari itong maging sanhi upang hindi na siya maging bukas sayo sa susunod, dahil natatakot siyang maging paksa na naman ng usap-usapan.

Tandaan mo, Kapag alam na ng iba ang inyong problema, parang binibigyan mo na rin sila ng karapatang makialam o magtanong-tanong sa inyong buhay sa mga susunod na araw. Nawawala ang inyong privacy, at ang inyong relasyon ay nagiging parang teleserye na inaabangan at hinuhusgahan ng marami.

Kapag dalawa lang kayong nakakaalam, mas madaling magpakumbaba at magpatawad dahil walang "pressure" mula sa labas. Hindi ninyo kailangang magpaliwanag sa ibang tao kung bakit kayo nagkaayos o kung bakit mo siya pinatawad.

Ps. Ibang usapan na kapag may pisikal na pang aabuso.

✍️Abu Atheelah

Address

Buraydah
Dasmariñas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Islam, Ang Ating Relihiyon. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share