03/08/2025
📌Tandaan natin:
Lahat ng ginagawa natin sa mundong ito pagsamba, pagtulong, paggawa ng kabutihan ay may iisang layunin: ang makapasok sa Jannah (Paraiso).
Huwag mong maliitin ang ambag o pagsisikap ng iba, at huwag mong isipin na ang pinto ng Jannah ay para lamang sa gawaing ikaw lang ang gumagawa.
Mas mainam na tayo ay magtulungan tungo sa paggawa ng kabutihan, paggawa ng matuwid.
TAGALOG
Sinabi ng Allah:
وَتَعَاوَنُواْ عَلَى ٱلۡبِرِّ وَٱلتَّقۡوَىٰۖ وَلَا تَعَاوَنُواْ عَلَى ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
At magtulungan kayo sa gawaing matuwid at pagiging may takot [sa Allah]. Subali’t huwag kayong magtulungan sa isa’t isa sa [gawaing] makasalanan at paglabag. At matakot kayo sa Allah. Katotohanan, ang Allah ay mahigpit sa pagpaparusa. Al-Maidah verse 2
BISAYA.
Miingon ang Allah ﷻ:
Pagtinabangay kamo sa usa’g-usa ngadto sa maayong pamatasan, pagkamatarong ug pagkahadlok sa Allah), apan ayaw kamo pagtinabangay sa usa’g-usa ngadto sa kasal-anan ug pagsupak. Ug kahadloki ang Allah, sa pagkatinuod ang Allah Hilabihan sa Pagsilot. Al-Maidah verse 2
Kaya’t maging katuwang tayo ng isa’t isa sa paggawa ng mabuti. Huwag nating hayaang manaig ang INGGIT o KUMPETISYONG MAKASARILI. Magsaya tayo sa tagumpay ng kapwa gaya ng pagsaya natin sa sarili nating tagumpay.
Kung nais natin ang Jannah (Paraiso) buksan natin ang ating puso sa kapwa mananampalataya, palitan ang paghusga ng pang-unawa, at maging bahagi ng solusyon hindi ng problema.
📌 At laging tandaan:
Sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ:
لا تحقرن من المعروف شيئاً، ولو أن تلقي أخاك بوجه طلق (رواه مسلم).
Huwag ninyong maliitin ang kahit kaunting kabutihan, kahit pa ito’y simpleng pagngiti sa iyong kapatid. Rawahu Muslim.
Minsan, isang maliit na bagay lamang tulad ng ngiti, isang paalala, o simpleng pagtulong ang nagiging dahilan ng iyong pagpasok sa Paraiso, sa awa ng Allah, at bunga ng pagtutulungan.
انتبه، كل ما نفعله في الدنيا يهدف إلى الجنة، فلا تقلل من جهد أحد ولا تظن أن باب الجنة مقتصر على عملك الخاص.
✍🏻Aymaan Avenido