11/01/2026
Naalala ko kumain ako sa Kenny Rogers sa SM Mega Mall, hanggang sa u-morder ako ng meal ‘yung may kasamang spaghetti, kalagitnaan na ng kain ko, napansin ko ang mahabang hibla ng buhok, syempre as a customer magugulat ka, pero ‘di ako ‘yung tipo ng taong gagawa ng eksena sa harap ng maraming tao.
Tinawag ko ‘yung manager, sabi ko sa mahinang boses na “may buhok po ma’am”, sobrang hingi ng sorry ‘yung Manager at agad na pinalitan. Nakita ko rin how she handle the situation, maayos n’yang kinausap ang staff n’ya sa loob ng nakangiti, at pagdating sa table namin nag-sorry muli s’ya at ang nakakatuwa may spaghetti ka na na puno ng masarap nilang sauce, dinadagan pa n’ya ng Banana Split for free, oh ‘di ba! yummy.
17 year old palang ako, nagtrabaho na ko sa fastfood at sa Jollibee, hindi ako naging kitchen crew pero nakita ko kung gaano kahirap mag-work inside the kitchen, paspasan pero lagi kaming nag-iingat dahil pagkain ang inihahanda namin, at kadalasan nangyayari ang ‘di mo inaasahan, lalo na kung may pangalan ang kumpanyang pinagtatrabahuhan, sa mundo ngayon ng Social media, isyu talaga once na may na-post ka.
Marami ng pangyayaring ganyan, tulad nga ng nangyari dati sa isyu ng 'Chicken Towel' o na-fried na bimpong kasama ng mga chicken joy, pero nasa tao parin kung gagawin mo itong big deal.
Gaya ng over-cooked na naglasang sunog na sabaw ng chicken macaroni soup ng Jolibee-Farmers-Cubao, nilapitan ko si Manager na ‘wag ng i-serve ang soup kasi ‘di na maganda ang lasa, humingi ng paumanhin si Manager, naisip ko rin kawawa din si Crew kung mapapagalitan o mawawalan ng trabaho.
Walang masamang magreklamo, pero nasa ugali at desiplina pa rin ng nagrereklamo kung paano n’ya i-ha-handle ang sitwasyon. At hindi minsan masusulusyunan nito kung i-po-post mo sa Social Media. It also reminder na din sa mga nagtatrabaho sa maliit o malaking kumpanya na mas panatilihin ang kalinisan at kalidad ng produkto upang hindi na ito maulit.
Gaya ng Manager na ito sa larawan, nagpapakita na tayong mga Filipino ay magkakaunawaan kung nagkakaintindihan, dahil kung i-da-down natin ang isat-isa, tayo-tayo rin ang babagsak.