20/12/2025
MANANAGOT NA ANG "TALAINGOD 13"
Wala nang lusot sa hustisya sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, dating ACT Teachers PL Rep. France Castro at iba pang kabilang sa tinaguriang "Talaingod 13," matapos pagtibayin ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Tagum City Regional Trial Court (RTC).
Ayon sa NTF ELCAC Legal Cooperation Cluster (LCC), “The long arm of justice is coming.”
Pinuri ng NTF ELCAC ang RTC, CA, pulisya, militar, at mga prosecutor sa pagpapatupad ng hustisya at sa pagsiguro ng kaligtasan ng mga menor de edad na biniktima ng "Talaingod 13."
Binabalaan ng NTF ELCAC ang publiko laban sa maling impormasyon at tiniyak na patuloy nilang poprotektahan ang kabataan at papanagutin ang sinumang mananakit sa kanila.