01/04/2025
Alam Niyo Ba Kung Bakit Bidang Bida ng Mga Tito/ Tita / Daddy at Mommy Niyo Kung Bakit Mas Masaya Sa Panahon Noon ?
Class suspension - Walang paalala sa TV o radyo. Papasok ka kahit bumubuhos ang ulan, tapos malalaman mo lang na walang pasok pag nandoon ka na at basang-basa ka na sa ulan. 😂
Research - Dapat alam mo ang sistema ng decimal sa library, at close kayo ni librarian para lagi kang pautangin ng libro. Kakaunti ang computer, at kung meron man, walang internet. Maaksaya sa oras, hindi tulad ngayon na isang pindot lang, nandiyan na ang sagot. Noon, babad ka talaga sa pagbasa ng mga libro.
Report - Kailangan ready ka sa manila paper at pentelpen. Kailangan maayos ang sulat mo para malinaw sa mga kaklase mo. Dapat malakas din boses mo para marinig ka hanggang sa dulo.
Books - Sa public school, palit-palit kayo sa mga libro. Jackpot ka na kung may apat kang libro. Kaya dapat marunong kang makisama para makahiram ka sa iba, kung hindi, wala ka talagang mahihiram! 😂
Exam - Tatlong araw na half day. Review nang todo! Dapat buo ang notes mo. Tapos may kaklase kang "sip-sip" na hindi mag-aaral, pero magagalit kapag hindi mo pinakopya. Pagkatapos ng exam, kayo rin ang magche-check ng papel ng isa’t isa. Tapos ia-announce pa ni ma’am ang grades mo sa harap ng klase. Pag mataas score mo, proud ka! Pero kung mababa, pagtatawanan ka pa, sermon ni ma'am ang bonus! 😂
Secretary ng classroom - Bad trip kapag ikaw ang classroom secretary kasi ipapasulat ni ma’am sa’yo lahat ng nasa libro sa blackboard. Pagod ka na, lahat pa ng chalk powder naamoy mo. Tapos ikaw pa ang walang notes, makikikopya ka tuloy sa iba. 🤣
Subject notes - Kailangan mabilis kang magsulat dahil tatanggalin agad yung nakasulat sa blackboard para magsulat ulit yung secretary. Kasama pa sa grade ang notes, kaya dapat puno ang notebook mo. Kapag mas maraming pahina, mas mataas ang chance na mataas ang grade! 😅
Lunch break - Punuan sa canteen o kaya’t hindi masarap ang luto. Kaya lalabas ka ng school para maghanap ng abot-kayang pagkain. Sobrang layo, parang umuwi ka na rin ng bahay! 😂
Free time - Kung hindi nagchichinese garter ang mga babae, nagsisipa yung mga lalaki. O kung ano man ang patok na laro noon. Lahat ng puno may tao—nagkukwentuhan, nagkakantahan. Sikat ka kung magaling kang tumugtog ng gitara, dagdag points pa kung pogi ka.
Famous - Sikat ka kung may Game Boy ka. Rich kid ang peg kasi mahal yun. Pwede rin yung brick game. Pero sa akin, Game and Watch lang. 😂
Christmas party - Pagalingan ng suot. Tapos may tig-50 pesos na exchange gift, kadalasan panyo ang makukuha mo. Ako, malas palagi kasi baso ang nakuha ko. Sarap itapon! 😂 Masaya rin ang mga games sa classroom. Tapos pag tapos na, gagala kayo—diretso sa bahay ng kaklase niyo kasi wala pang mall na malapit noon.
Ang saya balikan ng alaala noong araw! 😂 Walang gadgets, pero sobrang saya!ayan na explain ko na. Labyu