06/05/2022
Vote - an expression of judgement. ... Pagboto - isang pagpapahayag ng paghatol. ... Webs. New Int'l Dict., p. 2295
"Subalit ipinamamanhik ko sa inyong lahat, mga kapatid, na alang-alang sa ating Panginoong Jesucristo ay magkaisa kayong lahat sa inyong sinasalita, at huwag ninyong itulot na magkaroon ng mga pagkakabaha-bahagi sa gitna ninyo, kundi magkaisa kayong lubos sa pag-iisip at paghatol." (I Cor. 1:10 Edgar J. Goodspeed)
Kaya kahit sa pagboto ay nagkakaisa ang Iglesia ni Cristo sapagkat ang utos ay magkaisa sa paghatol. Ang pagboto ay paghatol kaya dapat magkaisa sa pagboto. Kaya bilang mga kaanib, sa panahon ng halalan ay hindi nagkakaniya-kaniya ng pagpili ng ihahalal sapagkat masisira ang kaisahan kapag ganito.
Ang Iglesia ni Cristo iisa lamang sa paghatol (pagboto) sa pamamagitan ng pagpapasakop sa kapasiyahan ng Pamamahala. (Gawa 15:12-13 at 19-20 MB)