15/05/2026
Realizing nowโฆ this was never about political colors, pagiging kakampink, DDS, dilawan, p**a, o kung ano mang tawag natin sa isaโt isa. Hindi ito paramihan ng pride, hindi ito palakasan mang-insulto at tawaging โboboโ ang kapwa Pilipino dahil lang magkaiba tayo ng pinaniniwalaan.
Kasi habang busy tayong mag-away, may mga taong tahimik na yumayaman gamit ang kahirapan ng bayan. Habang hinahati tayo ng social media, fake news, propaganda, at scripted narratives, tayo namang ordinaryong Pilipino ang patuloy na napapagod, naloloko, at ninanakawan ng magandang kinabukasan.
Nakakalungkot isipin na imbes na magkaisa para sa Pilipinas, mas pinipili nating magkampihan kaysa makinig. Ginawang entertainment ang politika. Ginawang fanbase ang gobyerno. At kapag may pumupuna, automatic kalaban agad.
Pero hindi ba dapat mas matakot tayo sa corruption kaysa sa magkaibang opinion? Mas dapat tayong magalit sa sistema na paulit-ulit tayong pinapahirapan kaysa sa kapwa Pilipino na biktima rin naman ng manip**asyon ng media, ng makapangyarihang pamilya, at ng mga elitistang matagal nang kontrolado ang bansa?
At habang tumatagal, mas narerealize koโฆ hindi pala sapat na mahal mo lang ang Pilipinas sa salita. Kailangan mong matutong mag-isip, magtanong, at manindigan para sa tama kahit hindi ito pop**ar.
Hindi ako panig ng kulay.
Panig ako ng Pilipino.
Panig ako sa bansang sanaโy hindi na kailangang iwan ng sariling mamamayan para lang mabuhay nang maayos. Panig ako sa mga OFW na napipilitang lumayo sa pamilya dahil walang sapat na oportunidad sa sariling bayan. Panig ako sa mga batang nangangarap pero unti-unting nawawalan ng pag-asa dahil sa sistemang paulit-ulit silang binibigo.
Mahal ko ang Pilipinas. Kaya masakit makita kung paano tayo pinag-aaway habang unti-unting nilulubog ang bayan.
At sana dumating yung araw na hindi na tayo maglalaban bilang supporters ng politikoโฆ kundi bilang mga Pilipinong lumalaban para sa Pilipinas.
As an OFW, a Filipina teacher here in Saudi Arabia, at isang tax payer sa Pilipinas, I stand with the Filipino people. Hindi ako panig ng politiko. Panig ako sa bayan at sa kapakanan ng bawat Pilipino. ๐ต๐ญ
LABAN PILIPINAS! ๐ต๐ญโจ๏ธ