30/07/2025
"Naglabas ang PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) ng tsunami advisory para sa mga baybaying rehiyon na nakaharap sa Pacific Ocean, kabilang ang Batanes, Cagayan, Camarines, Sorsogon, Leyte, at Davao provinces .
Inaasahan ang unang mga alon sa pagitan ng 1:20 PM at 2:40 PM (PST) noong Hulyo 30. Tinantiyang mas mababa sa isang metro lang ang taas ng mga ito at maaaring tumagal nang ilang oras.
Pinayuhan ang publiko na lumayo sa mga beach at mabababang baybayin, at siguraduhing nakalayo ang mga bangka o ligtas ang mga ito sa daungan.
Sa kalaunan, binawi rin ang advisory nang hindi nakitaan ng malaking pagtaas ng tubig o pinsala sa bansa..