22/04/2025
HINDI SUNNAH ANG MAGPAHABA NG BUHOK SA MGA KALALAKIHAN❗❗❗
👉 Inaakala ng iilan na kapag ang isang bagay na hindi ginawa ng Propeta ay agad ng ibinibilang sa gawaing Bid’ah (imbento),
Gayundin kanila ring inaakala na ang lahat ng bagay na ginawa ng Propeta ay kabilang na sa Sunnah❗❗❗
Bilang pagpapaliwanag sa pangalawang usapin dahil ito ang ating paksa:
👉 May mga iilang bagay na ginawa ng Propeta na walang kinalaman sa relihiyon at hindi kabilang sa Sunnah❗
- Normal sa isang tao na may natatanging kagustuhan, panlasa mula sa mga pagkain, inumin, damit, pabango, paggalaw etc.
- Ang Propeta ay may mga paborito ring pagkain o inumin na kaiba sa mga Sahaba at hindi niya ipinag-utos sa kanila na ito ang dapat kainin o inumin dahil ito ang kanyang kinakain o iniinum,
- Gayundin, may iilan sa mga Sahaba ay kumain ng pagkain na hindi naman kinain ng Propeta dahil sa hindi naman niya ito nakasanayang kainin tulad ng pagkain ni Khalid Bin Walid ng isang DABB (kasing uri ng bayawak)!!
- Mayroon din ginawa ang Propeta na naayon sa kustombre o kaugalian ng kanyang panahon tulad ng pagpahaba ng kanyang buhok na naging kustombre at katanggap tanggap sa kanilang panahon!!.
Ang pagpapahaba ng buhok ng mga lalaki ay hindi kabilang sa Sunnah kahit pa man ito ay ginawa ng Propeta bagkus ito ay kabilang sa naging kaugalian sa kanilang panahon❗
👉 Sinabi ni Shaikh Uthaimeen (kahabagan siya ni Alalh):
Ang pagpapahaba ng buhok ay walang pagbabawal dahil ang PROPETA ay nagpahaba rin ng kanyang buhok hanggang sa ang kanyang buhok ay umabot sa balikat nito. ito ang pangunahing hatol ng pagpapahintulot,
Ngunit, kapag ang kaugalian ng karamihan sa mga tao ay ang tanging nagpapahaba lamang ng buhok ay ang mga pasaway, drug addict, gumagawa ng masama, samantala ang matutuwid sa kanila tulad ng mga pinuno o ulama ay hindi nagpapahaba ng buhok,
Sa ganitong kalagayan ay hindi Ipinahintulot sa mga taong matuwid na magpahaba ng kanilang mga buhok upang kanilang ihiwalay ang kanilang mga sarili laban sa mga taong pasaway❗❗❗
PAALAALA:
Kung ang pagpapahaba ng buhok ay kabilang sa Sunnah, sana hindi hinayaan ng Mahal na Propeta ang isang batang ginugupitan ang ilan sa bahagi ng kanyang ulo sa harap niya, bagkus kanyang sinabi: “Kalbuhin ninyo o gupitan ang buong ulo o hayaan nalang na huwag gupitan”
Kung Sunnah ang pagpahaba ng buhok ng isang lalaki sana hindi na niya ito pinahintulutang pagupitan at hayaan nalang itong humaba!
Gayundin hindi narin siya magpaputol ng buhok❗❗
Kapag ang pagpahaba ng buhok ay ginagawa ng nakakarami pati ang mga matuwid mula sa mga pinuno at ulama at kanila ring nakikita na ito ay isang kaugaliang mabuti,
Sa ganitong kalagayan ay walang pagbabawal na magpahaba ng buhok ang isang lalaki bilang kaugalian at hindi bilang Sunnah❗
Ngunit, kung ang tanging nagpahaba lamang ay mga pasaway, drug addict, mga artista, sports player o mga taong hindi mabuti,
Sa ganitong kalagayan ay hindi maganda ang magpahaba ng buhok upang mailayo ang ating sarili sa mga pasaway!
👉 Naging kaugalian sa ngayon panahon mula sa mga kilala at malalaking pantas (ulama) sa buong mundo ay hindi nagpahaba ng buhok dahil hindi nila nakikita ang pagpahaba na ito bilang sa isang Sunnah sa likod ng matindi nilang panghahawak ng Sunnah ng Propeta❗❗❗
👉Dagdag Kaalaman:
Narito ang iilan sa mga bagay na hindi kabilang sa Sunnah bagkus ito ay Adah (kaugalian o kustombre) lamang:
1-Paggamit ng tungkod
2-Pagsuot ng Thoub (lambong) o Jalabiyya
3- Ang pagsuot ng Kopya (pantakip sa ulo) o anumang ibinabalot sa ulo ng mga kalalakihan
4-Ang pagsuot ng singsing na yari sa pilak. Ang pagsuot na yari sa ginto ay Haram
5- Ang paggamit ng Sandalyas na gagayahin ang desinyo ng sandalyas ng Propeta.
6- Ang pagsuot ng relo sa bandang kanang kamay at marami pang iba..
✍️ Zulameen Sarento Puti