Buhay OFW sa Saudi

Buhay OFW sa Saudi Buhay OFW sa Saudi page ay naglalaman ng mga pangyayari sa (page name)

08/12/2024
Sa mga OFW dito sa Saudi Arabia lalo na ang mga kasambahay, huwag kayong pumayag na pinagtatrabaho kayo ng amo nyo sa ib...
17/09/2024

Sa mga OFW dito sa Saudi Arabia lalo na ang mga kasambahay, huwag kayong pumayag na pinagtatrabaho kayo ng amo nyo sa ibang bahay kc wala naman sa kontrata nyo yun. Ipakita nyo to sa amo nyo pag pinipilit kayo. Huwag nyong pahirapan sarili nyo kabayan.

Starting July 01, 2024 for new DH.
30/06/2024

Starting July 01, 2024 for new DH.

Mag ingat po tayo sa mga illegal recruiters.
26/06/2024

Mag ingat po tayo sa mga illegal recruiters.

CLOSURE OPERATION kontra Illegal Recruitment, ikinasa ng DMW Regional Office sa Mindanao

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Jonieza Joy Travel and Tours Jonieza Joy Travel & Tours Agency & Consultancy, isang travel agency sa Initao, Misamis Oriental na nagpositibong nag-rerecruit ng walang lisensya para magtrabaho sa Poland, Czech Republic, Lithuania, Romania, Croatia, Malta, Greece, Canada, UK, Dubai at Saudi Arabia.

Pinangunahan ni DMW Assistant Secretary Francis Ron C. De Guzman, kasama ni OIC-Regional Director Atty Fidel Macauyag ng RO-X ang closure operation ngayong umaga.

Ang pagpapasara sa nasabing travel agency ay bunga ng ilang surveillance operations na ikinasa ng DMW-Region X mula sa report ng Filipino community sa Poland na ilegal na pag-aalok nito ng trabaho bilang Welders, Electrician, Locksmiths, Greenhouse Workers, Warehouse Workers, Cleaners, Drivers, Factory Workers, Construction Workers, Plumbers, Service Crew, Cook, Restaurant Manager, Food Attendant, Hotel workers, Waiters/Waitress, Caregivers at Nursing Assistants, na umano ay may buwanang sweldo na Php 35-40,000 at may bonus pa, night shift differential, libreng medical exam at pagkain. Nangangako ang travel agency na mapapaalis ang mga aplikante sa loob ng 5 hanggang 8 buwan, kapalit ng Php 190-230,000 na processing at placement fee.

Para matigil na ang illegal na gawain nito at wala nang mabiktima pa, kaakibat ng pagpapasara ng DMW ang rekomendasyong pagkansela ng business permit at pagpapawalang-bisa ng registration nito sa DTI.

Sa pagkakasara nito, ang may-ari at mga opisyal na sangkot ay mahaharap sa kasong illegal recruitment committed by a syndicate na may parusang life imprisonment at multang Php 2M hanggang Php 5M. Dagdag dito ay makakasama rin sila sa DMW List of Persons with Derogatory Record na magba-ban sa kanila sa pagre-recruit.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga nabiktima ng travel agency sa opisina ng DMW-RO X sa Cagayan de Oro o magmessage dito upang matulungan sa pagsasampa ng kaso at mabigyan ng libreng tulong legal.

Ito na ang ika-11 na establishmentong ipinasara ng DMW kontra illegal recruitment para sa taong ito.



📢 : The Philippine Embassy in Riyadh informs the public that the Embassy will be open from 09:00 AM to 02:00 PM, during ...
27/02/2024

📢 : The Philippine Embassy in Riyadh informs the public that the Embassy will be open from 09:00 AM to 02:00 PM, during the Holy Month of , beginning 11 March 2024 until 09 April 2024.

CCTO:

07/02/2024

GOOD NEWS para sa mga OFW na hindi nakabalik sa Saudi kahit may Re-entry visa. Pwede na po kayo makabalik sa Saudi.

Address

Riyadh

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Buhay OFW sa Saudi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share