
29/08/2025
HINDI KA MABAIT, TANGA KA!
Real talk tayo.
During my younger years, akala ko kapag sobrang mabait ka— mabuti ka.
TANGA KA PALA.
Lahat ng sobra ay masama. Dapat balance lang.
As I age, I've realized hindi pala pwedeng sobrang mabait ka ; kasi aabusuhin ka ng mga taong halang ang kaluluwa.
Hindi porke mabait ka, ay mabuti ka.
Dahil kapag sobrang mabait ka, kunsintindor kana; kahit masama't mali na ang kanilang ginagawa.
Kaya ka inaabuso, niloloko't gina-gago— hindi dahil mabait ka, kundi sadyang tanga ka!
Kaya, kapag may nakikita ka nang mga gawaing mali't masama — punahin mo na.
Hindi yan pangingialam.
Ginagawa mo lang kung ano ang makabu-buti't tama; para hindi sila mapapahamak— out of love and concern naman 'yan e.
Unless may hidden motives ka. Iba na iyan.
Correct with firmness, gentleness and respect at the same time. Dapat may paninindigan; pero hindi bastos.
Magalit kung kina-kailangan lang.
But again do not insist.
'Pag pinilit mo na sundin ka, iyan na ang pangingialam. Except sa mga anak mong minors pa.
Wag mong pilitin ang ayaw. Dapat may choice sila. Ang mahalaga aware sila na hindi ka tatanga-tanga.
A wise man once said,
"Be gentle like sheep; but vigilant like snake."
Maging mabait at mabuti pero kang tatanga-tanga!
Ikaw, kailan ka huling nagpaka-tanga?