01/12/2025
FEEDING PROGRAM SA TERSERA DISTRITO
Nakatakdang ilunsad ng negosyanteng si Rodolfo “Tatay Bong” Pineda ang malawakang feeding program para sa mga bata sa 3rd District ng Pampanga.
Target umano ng programa na mapakain ang humigit-kumulang 5,000 elementary students na bibigyan ng libreng masusustansyang pagkain araw-araw, Lunes hanggang Biyernes.
Kabilang sa ihahaing lutong ulam ang kalderetang manok, adobo at afritada, kasama ng kanin.
Magbibigay rin daw si Pineda ng libreng bitamina upang matiyak ang kompletong nutrisyon ng mga estudyante.
“Gusto kong tulungan ang mga batang kulang sa pagkain para mas ganaan silang mag-aral at maging matatalino,” ani Pineda.
Tatagal ng anim na buwan ang programa, katuwang ang mga lokal na opisyal at mga g**o. Nagsimula na ang feeding sa Lubao at Arayat, at nakatakdang simulan sa Bacolor, Mexico at Sta. Ana sa mga susunod na araw.
Tinalakay ni Pineda ang detalye ng implementasyon kasama sina Arayat businessman Sixto Mallari, Bacolor Mayor Diman Datu, Vice Mayor Ron Dungca, Chris Pelayo ng Sta. Ana, at Lubao Councilor Jay Victorino sa bagong bukas na Tatay’s Grill.