08/07/2025
What's on your mind?
Basic lang, kapag ang words mo ay di magdudulot ng makakabuti, ang pananahimik ang sagot.
More than 1400 years ago na itong aral sa atin.
Hinihimok tayo ng aral na ito, na pag-isipan ang mga sumusunod bago tayo magsalita:
-lahat ng salita mo ay maaring magdulot sayo o sa iba ng mabuti o masama.
-may malinaw ka bang pakay sa salita mo? ano ang katayuan mo sa issue? Nasa posisyon ka ba para kailanganin ng tao ang statement mo?
- ang salitang gusto mong sabihin, magugustuhan kaya ng Allah mula sa'yo?
- Magiging masaya ka ba sa yawmul qiyamah kapag nakita mo ang salita na yan sa listahan mo? O baka dito palang sa dunya, pagsisihan mo nang nasabi mo yun.
- bumabagay ba ang paraan ng pananalita mo sa sinasabihan mo?
- May mga gamot na para talaga sa isang uri ng karamdaman, pero hindi nirereseta ng mga doctor dahil mas malaki ang side effects, o baka magdudulot ng iba pang mas malubhang sakit. Ang salita mo, wala bang side effects?
Subaybayan ang mga Ulama, lalo na ang mga bihasa at tumanda na sa pagsasabuhay ng kaalaman, sila ang pamarisan sapagkat nasa kanila ang guidance ng Sunnah kung paano makipagDEAL sa iba't ibang uri ng mga fitna.