09/07/2025
Masipag ka ngayon, May pera ka ngayon?
Malakas ang Income mo, Sobra sobra ka kung magwaldas ng pera?
"Kapag marami kang Pera at Income, Marami kang Friends, marami kang kamag-anak, maraming sasalubong sa iyo kapag ikaw ay pauwi galing abroad".
Sabi ni lola na nasa larawan na OFW”
"noong malakas pa ako kumita sa pagiging OFW halos 3 Jeep na puno ang sumussondo sa akin sa Airport, ang dami kong kamag-anak. Mahilig ako magbigay at halos lahat ng sahod pinapadala ko sa pamilya ko at lahat ng kamag-anak naaambunan ng pasalubong pero ngayong matanda na ako at mahina na kumita, halos wala nang sumasalubong sa akin. Halos di na ako kilala. Tatanda nalang ako dito sa abroad sa kakatrabaho pero wala man lang akong naipon at wala man lang natira para sa sarili ko"
Mga kwento ng mga taong mga nasa Larawan..
Dahil sa mga larawang ito. Ayaw naming pagsisihan mo sa huli ang pagiging galante mo at di ka na nagtira para sa sarili mo. Di masamang magbigay at tumulong sa kamag-anak. Pero bago ang lahat ng pagtulong mo. Tulungan mo muna ang sarili mo, bayaran mo muna ang Future mo.
Pay yourself First.
Bago magbigay sa iba, dapat di mo din pinagdamutan ang sarili mong Future.
Mag ipon ka bago magbigay.
Magsavings ka bago magregalo.
Mag invest ka bago mag pautang sa iba.
At huwag ka magpautang kapag niloloko at inuuto ka nalang ng mga nagpapakilalang kamag-anak or close Friend kahit ngayon mo lang naman sila nakilala kung kailan may Magandang Income ka.
Lalo na yung Hi Friend Kumusta” Baka naman pwede pautang” Huh kakafriend Request lang sayo tapos ang bungad pautang kaagad?
“Gising Pinoy”
✅Hindi guaranteed na magiging maganda ang Future mo kahit malakas ang Income mo ngayon pero di ka naman marunong humawak ng pera at ayaw mong paglaanan na matutunan ang Financial Education.
✅Hindi guarateed na maganda ang future mo kapag Professional ka or mataas ang pinag aralan mo ngayon.
✅Hindi guaranteed na maganda ang Future mo kapag may negosyo ka ngayon.
✅Hindi guaranteed na maganda ang Future mo kapag marami kang nagpakilalang kamag anak ngayon at marami kang Friends.
✅Hindi guaranteed na Masipag ka ay gaganda ang Future mo kaya huwag mo unahin ang luho mo pero pinapabayaan mo naman ang kalusugan mo.
✅Hindi guaranteed na gaganda ang Future mo kapag Malaki ka magpadala sa kamag anak mo sa sahod mo lalo na kapag OFW ka.
✅Hind guaranteed na maganda ang Future mo kong marami kang napapainum ngayon, marami kang naililibre ngayon, at magaling ka makisama ngayon sa kapwa mo kaya madali kang mautangan.
Anu ba ang guaranteed?
1.Change o pagbabago
2.Pagtanda
3. Kamatayan
Kaya Dapat lang na paghandaan mo!
Huwag makampante kung anung mayron ka ngayon lilipas din yan kung di mo inaalagaan.
Kung anu man ang narating mo ngayong biyaya sa buhay mo, dapat mong alagaan at pagyamanin.
Unahing bayaran ang sarili.
“Pay yourself First”
✅Pag aralan ang Financial Education upang may kahinatnan ang biyayang natanggap mo ngayon.
✅Huwag mahiyang magsabi ng “No” kapag alam mong ngayon ka lang naman kilala nila na mayron ka na. Kilalanin ang tunay na kaibigan at kamag anak na di ka iiwan. Yung kahit noong wala ka pang pera kilala ka na nila. Hindi yung kung kailan mayron ka nang pera tsaka ka lang nila nakikilala at kinikilalang kamag anak. Pero noon kahit Paracetamol di ka man lang maabutan kapag may sakit ka o mga anak mo o Magulang mo.
✅Huwag mahiyang magsabi ng “No” sa mga Nagpakilalang kaibigan ngayon, kung noon di ka nga nila pinapansin at pati name mo nakalimutan nila. Ngayon lang nila tinandaan kung kailan may pera ka na.
✅ Huwag mahiyang magsabi ng “No” kung alam mong Sa iyo pa lang kulang pa ang kinikita mo.
✅Huwag mahihiyang magsabi ng “No” sa mga taong kapag nakipag usap sa iyo at magpaparinig sayo na sana kaawaan mo at pautangin mo pero panay post naman sa Facebook ng mga luho nila at kasosyalan.
✅Tumulong ka sa mga Taong karapat dapat na tulungan at totoong nangangailang ng Tulong mo.
Yung deserving at alam mong di nila sasayangin ang tulong na ibigay mo. Yung makakabuti sa kanila ang pagtulong mo.
Kaibigan Magising na Tayo huwag na tularan ang mga pagkakamali ng Iba dahil kulang sila sa Financial education noong panahong malakas pa sila, masipag pa, at malakas pang kumita...
Ctto