05/10/2024
OFW, NAG-TRABAHO NG 20 TAON SA ABROAD, UMUWI NANG WALANG IPON!
Dalawampung taon sa ibang bansa, pinaghirapan ang bawat sentimo para sa pamilya. Pinaaral ang mga anak, kapatid, at pamangkin. Nung nagdesisyon si Mang Jose na umuwi for good sa Pilipinas, halos wala siyang naipon.
Nasa isip niya, tutulungan siya ng mga anak, kapatid, at pamangkin na kanyang inaruga. Pero nang mag-asawa na ang mga ito, nagkaroon sila ng sariling mga responsibilidad. Naiwan si Mang Jose na nag-iisip kung saan kukunin ang pang-araw-araw na gastusin.
"Saan na ako kukuha ng pambili ng pagkain araw-araw? Akala ko may tutulong sa akin," malungkot na sabi ni Mang Jose.
Isang masaklap na katotohanan. Habang malakas pa, mahalaga ang magplano para sa hinaharap. Hindi sapat ang magtiwala lang na ang iba ang mag-aalaga sa'yo.
Mga Paalala:
Mag-invest sa tamang paraan.
Mag-negosyo para sa karagdagang kita.
Mag-ipon para sa kinabukasan.
Magplano para sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Hindi masama ang tumulong sa pamilya, pero siguraduhing may natitira para sa sarili. Hindi habang buhay malakas tayo. Darating ang oras na kailangan natin ng sariling ipon at kabuhayan.
Habang nasa ibang bansa, magtabi na para sa sarili. Huwag gawing obligasyon ng mga anak, kapatid, o pamangkin ang iyong kinabukasan. Habang malakas pa, mag-ipon, magpundar ng negosyo, at maghanda para sa kinabukasan.
Ang kwento ni Mang Jose ay isang paalala sa lahat ng OFW at nagtatrabaho. Huwag ipagsawalang-bahala ang sariling kapakanan. Mahalin ang sarili habang malakas pa at maghanda para sa hinaharap.
Kaya mag invest sa negosyo habang may pera pa at malakas pa.
Ccto