15/06/2026
Mama lola's stories
June 15 ,2026
Post #1
KWENTONG KABABALAGHAN SA LIKOD NG MATAAS NA HALIGI NG BAHAY SA CAMARINES NORTE BIKOL.
Part #1
Hello ako si erma nasa hustong gulang mula sa isang baranggay ng Labo Cam.Norte me ibabahagi akong kwento ng nanay ko noong bata pa ako tungkol kong bakit ang mga bahay noon sa aming lugar e matataas bihira ka noon mkakita ng bahay na mababa o meron sa mga sentro lng ng bayan pero sa mga baryo e matataas noon dw me mag asawang nakatira sa paanan ng bundok Bagakay sa bayan ng Labo si Maria at Juan .
Isang araw umalis si Juan para mangaso iyon ang isa sa kinabubuhay noon mangaso sa gubat.
Naiwan si Maria at 2 nilang anak na ang panganay e 3taong gulang na batang lalaki at ang bunsong babae e 3araw pa lng kakapanganak ni Maria at bilin ni Juan na isarang mabuti ang pinto .
Ilang oras pag ka alis ni Juan habang nag papasoso ng kanyang bunso si maria at nag hahanda ng matulog ang panganay na si mario.
Nkaramdam si maria ng kilabot na di mawari na parang me masama syang pakiramdam na subrang tahimik ang gabi at nkatingin sya sa labas sa napakalaking liwanag ng buwan kabilogan pala ngayon isip nya at sinara na ang bintana at nkatulog narin si mario na inayos nya sa higaan nito habang ang bunsong si nene e nagsimula naring pumikit .
Hanggang isang nakakapanindig balahibong tunog ang narinig ni maria sa malayo na parang sa pakiramdam nya ay me mangyayaring kakaiba ngayong gabi at napatingin sya sa itak na nkalagay sa gilid na palaging iniiwan ni Juan sa malapit sa higaan nila sa twing umaalis ito na minsan e sinasabi pa nya na masyadong takot ito .
Pero ang takot na iyon ay naramdaman niya ng muling marinig ang huning iyon na sa pakiramdam nya ay lumapit sa bahay nila at nakaramdam ulit si maria ng kilabot na parang ayaw ng umalis sa diwa nya na me kasama na ngayong panginginig ng tuhod nya at pag aalala dahil wala ang asawa at tapatingin sya sa 2 anak na payapang natutulog.
Nagsimula ng mag isip si maria ng libong imahinasyon at naalala ang mga kwento ng lolo nya noong nabubuhay pa na me isang nilalang dw dito sa lugar nila na naninirahan sa kabundokan na ang tawag nila ay Bonggo o Pangilan dahil sa me 2ng matutulis itong pangil at mababa ito parang hugis punsoΚ» kaya tinawag itong Bonggo.
Halos mapalukso si maria sa takot at kilabot ng ang huni e parang nasa tapat na ng bahay nila at nkarinig sya ng mga yabag na kakaiba at parang singasing ng mabangis na hayop na umaaligid sa kanilang bahay .
Napatingin sya sa mga bata na payapang natutulog at dahan dahan syang lumapit sa sulok ng kanilang bahay sa paanan ng papag at kinuha ang itak na iniwan ng asawang si Juan.
Ang mataas na bahay nila ay walang kwarto isa lng itong kwadradong me mallit na papag isang lamesita at isang malaking baol na lagayan ng damit at isang tali na sampayan nya ng mga damit pagkatapos labhan.
Ang mga yabag na malinaw na ngayong naririnig ni maria ay umiikot na sa kanilang bahay na parang nag hahanap ng daan para makita ang loob ng kanilang bahay.
At tuloyan ng mapalukso si maria at nabitawan ang itak na nahulog sa sahig ng marinig ang malakas na hampas sa kanilang bahay na Halos nagpayanig ng husto sa kanilang maliit na medyo me kalumaan ng bahay.
Napakaripas si maria sa takot at panginginig at nabuhat ang bunsong si nene na tulog parin na hindi nagising sa ingay na ngayon at dumadagundong na sa walang habas na hampas at hablot ng isang nilalang sa labas ng kanilang bahay tarantang buhat buhat ni maria ang bunsong si nene at nagising na si mario at Halos mapugto hininga ni maria sa kilabot na parang bangongot lang ito at hindi ito totoo kwento lng ito ni lolo malabong mngyari o Diyos ko gisingin mo po ako dasal ni maria.
Pero ng mahimasmasan at mapagtanto ni maria na totoo na ito haler gising husme totoo talaga dina biro at nka yakap na si mario sa binti nya at naiiyak na tanong nanay ano po un nkakatakot nasan po si tatay natatakot po ako napasinghap si maria at lalong humigpit ang yakap sa bunsong si nene na noon e tulog parin .
Ngayon ay lubos na nyang naisip dina ito bangongot o kwento lalo ng malakas na hampas ang tumama sa di ngding malapit sa pinto na nag iwan ng ga kamaong butas na pag me sumilip e kita na sila at ang walang humpay na singasing na nagmumula sa nilalang sa labas na parang gutom na gutom .
Nahablot ni maria si mario na ngayon ay malakas ng umiiyak sabay takip sa bibig nito at maliksi syang naglakad na patingkayad para di makagawa ng ingay naghanap ang mga mata kong saan maitatago ang mga anak halos tumigil tibok ng puso nya at napagtanto na walang ibang mapagtatagoan sa maliit nilang bahay na parang mawawasak na sa lakas ng pag alog ng kong sino mang maligno ang nasa labas isip ni maria .
Sa tarantang isip ni maria nakita nya ang lumang baol at walang pag dadalawang isip binuksan nya iyon at doon maingat na inilagay si nene at si mario na tinakpan ng mga damit at bago isara ay sinabihan si mario na wag mag iingay na tumango nman ito na me takot at napayakap sa natutulog paring bunsong si nene.
Ng matiyak na ligtas mga anak ay matapang na npatingin si maria sa pinto na ngayon ay pilit binabayo ng kong sinong nilalang sa labas na pilit gustong gumawa ng daan para makapasok .
Nanlisik ang mga mata ni maria na ngayon ay puno na ng galit at matinding prisinsya ng isang ina na hindi papayag na me manakit sa kanyang mga anak at nagkaroon ng kakaibang lakas at gustong sabayan at harapin ang halimaw na ngayon ay makikitang ilang sigundo e mababaklas na ang kaliwang ding ding ng kanilang maliit at me kalumaang bahay.
At sa nakakapanindig balahibong iksina nangyari na nga ang kinatatakotan ni maria nabaklas ang ding ding at napaatras sya ng tumambad ang nakakapanindig balahibong nilalang na sa ni panaginip ay di nya akalaing makikita nya o makakaharap na noon ay tinatawanan nya mga nkaka aliw na kwento ng kanyang lolo na ilang taon naring namayapa matapos ang kasal nila ni Juan na syang nagregalo sa kanila ng lupang ito na kinatitirikan ng lumang bahay na ito ang lolo nya ang dating nkatira pero sa mga huling taon ay kinuha na ng kanyang nanay sa bayan para doon na tumira at para maalagaan sa huling mga taon nya sa mundo.
Napasinghap si maria sa takot ng muntik na syang mahablot ng nilalang kong di sya naka lukso paatras..ano ba maria gising wag kang matulala kong ayaw mong naging haponan ng halimaw na yan isip nito at npa lukso na nman ng ihampas ng halimaw ang mahahabang kamay nito sa gilid ng bahay na ngayon ay wala ng ding ding at pilit hinihila ang katawan para makasampa napamulagat si maria at napaatras at bago makasampa ang nilalang nasagi ng paa nito ang itak na ngayon ay naalala nya na nabitawan ito sa subrang takot at mabilis nya itong nadampot at mahigpit na nahawakan na noong sandaling iyon ay pilit na sumasampa ang halimaw na ngayon ay nakatitig na sa kanya na parang nkakita ng masarap na pagkain at hayok na pilit syang inaabot na tinutok ni maria ang hawak na itak na para bang titigil ito at matatakot kong makita ang kanyang makislap na itak pero nagkamali si maria at lalong sumingasing ang halimaw na ngayon ay Halos nakasampa na ang kalahating katawan sa bahay...napapikit si maria at bago pa man tuloyang makaakyat ang halimaw ay buong lakas nya itong tinaga ng kanyang matalas na itak at tinamaan ito sa kamay at napaatras sa matinding sakit na umangil ng subrang lakas na Halos ika bingi ni maria pero saglit lng iyon at nanlilisik ang mga matang sumugod ulit ng buong bilis sa natutulalang si maria na napasinghap at matapang na iwinasiwas ang kanyang matalas na itak na tumatama sa kamay ng halimaw na ngayon ay galit na galit at pilit syang inaabot .
Hindi namalayan ni maria na me dumadaloy ng mainit na likido sa pagitan kanyang mga hita napansin lng nya ito ng imiba ang kilos ng halimaw na sa tingin nya ay tumalas ang mukha nito na parang me inaamoy at kinilabotan ng husto si maria ng mapagtanto kong ano ang nag pa bagsik lalo sa halimaw ng makita nya ang mapulang pumapatak sa sahig na nkita nya ng nailawan ng maliwanag na buwan dugo at iyon ay nanggagling sa kanya ...tatlong araw pa lng syang nakakapanganak kaya medyo mahina pa katawan nya kaya nangaso ang kanyang asawang si Juan para magkaroon sila ng karning makakapag palakas sa kanya.at napagtanto nya yong parang me dumaloy sa pwerta nya sa unang hampas nya ng itak kanina pero binaliwala nya iyon at inuna ang pakikipaglaban sa halimaw na ngayon ay walang habas syang inaabot na pilit at sumisingasing ng husto sa amoy ng kanyang dugo na ngayon ay masaganang bumabasa sa sahig nakaramdam ng panghihina si maria sa walang sawa nyang pakikipaglaban sa halimaw twing susugod itong pilit syang inaabot sumagi sa isip nya pano mga anak nya pag nakapasok ang halimaw.
Ngayon lng pumatak ang luha ni maria sa isiping iyon sa nanghihina nyang katawan kahit gaano pa katapang ang kilos nya kong walang darating na tulong at naisip nya ang asawang si Juan please umuwe ka o Diyos ko pauwiin mo po asawa ko at sabay hampas ng itak sa kamay ng halimaw na ngayon ay hayok na halos makasampa na sa kanilang bahay...
Part #2 ...sa comment