
29/07/2025
Isang Maliwanag na Ilaw
Isipin muli ang Genesis 1 noong nilikha ng Diyos ang mundo. Isa sa mga unang sinabi ng Diyos ay “Magkaroon ng liwanag” (Genesis 1:3). Kung paanong nilikha ng Diyos ang liwanag upang magningning sa lupa, si Jesus ay pumarito bilang isang ilaw sa buong sangkatauhan.
Sinabi ni Jesus na Siya ang ilaw ng sanlibutan. Itinuturo din Niya na ang ilaw ay kailangan para mahanap ang iyong daan sa mundong ito. Si Jesus ay ang ilaw na gumagabay sa mga lalaki at babae patungo sa tunay na buhay.
Si Jesus ay hindi lamang liwanag na nagbibigay tanglaw sa ating landas sa buhay, kundi Siya rin ang nagbibigay tanglaw sa iba pang bahagi ng mundo. Sa pamamagitan ng liwanag ni Jesus ay maaari nating makita ang iba pang bahagi ng mundo at gumawa ng pagpapasiya sa kung ano ang tama at mabuti.
Ang ilaw sa Lumang Tipan ay kadalasang simbolo ng paghatol, dahil ito ang ilaw na naglalantad sa kadiliman at kasamaan sa puso ng mga tao. Si Jesus ang tunay na Hukom na dumarating na may kapangyarihan ng Diyos Ama na hatulan ang puso ng mga lalaki at babae (Juan 8:13-17).
Habang si Jesus ang tunay na Hukom ng buong sangkatauhan, ang mga sumusunod kay Jesus at naniniwala sa Kanyang muling pagkabuhay ay walang dapat ikatakot tungkol sa paghatol. Hindi na tayo hinahatulan sa ating nakaraan, ngunit sa pamamagitan ni Jesus tayo ay binigyan ng daan sa bagong buhay sa Kanya (Mga Taga-Roma 8:1).
Maglaan ng ilang sandali upang pasalamatan ang Diyos sa pagapapaliwanag ng Kanyang ilaw sa iyong buhay. Dahil kay Jesus, mararanasan mo ang biyaya at kapayapaan ng Diyos sa iyong sariling puso.